HINDI pa rin pinapayagan ang pagbiyahe ng mga turistang Pinoy patungong ibang bansa.
Ito ang ipinaalala ng Bureau of Immigration (BI) matapos na may anim na Filipino ang nagtangkang bumiyahe patungong Cambodia sa pamamagitan ng isang chartered flight mula sa Ninoy Aquino International Airport.
Ayon kay BI Port Operations acting chief Grifton Medina, business meeting kaugnay ng pag-cultured ng hipon ang idinahilan ng anim na Pinoy sa tangkang pagbiyahe ng mga ito.
Binigyang-diin ni Medina na tanging mga overseas Filipino worker (OFWs) at Filipinong may hawak na student visa o permanent residents sa ibang bansa ang maaari lamang lumabas ng bansa.
Apela ni Medina sa mga Filipinong nais nang bumiyahe sa ibang bansa para mamasyal o dumalaw sa mga kaanak na maghintay na muna sa magiging kautusan ng pamahalaan hinggil sa umiiral na travel restriction.
Una nang inanunsiyo ng Manila International Airport Authority ang muling pagbabalik operasyon ng mga international flight sa NAIA Terminal 3 simula sa Miyerkoles, Hulyo 8. DWIZ882
Comments are closed.