NAGPAALALA kahapon ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang Commission on Elections (Comelec) sa lahat ng opisyal at tumakbo sa nakalipas na eleksiyon na linisin at alisin ang kanilang mga campaign paraphernalia.
Himok ni DILG Secretary Eduardo Año, dapat magsanib-puwersa ang mga kandidato at kanilang supporters upang mapabilis ang pagtatanggal ng mga kalat nila tulad ng streamers, mga poster at leaflets. “Tapos na po ang halalan at nakapili na ang mga mamamayan kung sino sa palagay nila ang karapat-dapat na magsagwan sa kanila tungo sa tunay na pagbabago. The immediate task at hand is to call on your supporters to clean up and rid our communities of poll trash,” giit ni Año.
Inaasahan na ang tambak na basura na makikita sa iba’t ibang pampublikong kalsada at eskuwelahan.
Nagbabala pa si Año na kailangan bago magsimula ang klase sa Hunyo ay maayos na ang mga paaralan.
Sinuportahan ng Comelec ang pahayag ng DILG. Sa Twitter post ni Spokesperson James Jimenez ay sinabi nito na alisin sa lalong madaling panahon ang mga poster na ipinaskil ng mga nanalo at natalong politiko.
Comments are closed.