PINAALALAHANAN kahapon ni Department of Health (DOH) Spokesperson Eric Domingo ang publiko laban sa mga sakit na maaaring makuha sa paliligo sa public swimming pools, ngayong panahon ng tag-init.
Ilan sa mga naturang karamdaman ay skin diseases at sore eyes.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Domingo ang mga namamahala sa mga naturang pampublikong paliguan na maghigpit at huwag hayaang maglangoy pa ang mga taong makikita nilang may karamdaman.
Nagbabala rin si Domingo na kung papayagang maligo sa public swimming pool ang mga taong may karamdaman, gaya ng sore eyes at skin diseases, ay maaari itong makahawa, na posible ring mauwi sa epidemic o pagkalat ng sakit.
“Ang pinaka-common na nakukuha natin sa pool number one ‘yong skin diseases, at saka sore eyes,” ani Domingo, sa panayam. “So, talagang warning natin sa public ‘yung mga municipal pools, City pools, sana bantayan nila ang mga batang may sakit. Halimbawa, makita natin may infection sa balat at lalong lalo na ‘yung na-mumula ang mata bago mag-swimming, ‘wag na nating palanguyin.”
“Kasi once napunta ang bacteria o virus du’n napakadaling kumalat ang infection at maaaring magkaroon ng epidemic sa ating lugar,” pagtatapos pa niya. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.