PINAALALAHANAN kahapon ng Department of Health (DOH) ang publiko na kumpletuhin ang second dose ng kanilang COVID-19 vaccines sa itinakdang petsa para rito.
Kasunod ito ng mga ulat na may mga vaccine recipients ang hindi na bumalik sa vaccination centers para magpaturok ng kanilang second dose.
Tiniyak naman ni Health Secretary Francisco T. Duque III na ang mga taong naka-missed ng kanilang scheduled second dose ay maaari pa ring mabakunahan.
Paalala ni Duque sa publiko, mahalagang kumpletuhin nila ang kanilang required doses para magkaroon ng full protection laban sa COVID-19, hindi lamang para sa kanilang sarili, kundi maging sa kanilang mga mahal sa buhay.
“For our kababayans who missed their scheduled second dose, huwag kayong mangamba at maaari pa rin kayong makakuha ng inyong ikalawang dose. In fact, we urge you to coordinate with your LGUs to reschedule your vaccination. Makukuha lang natin ang proteksyon ng mga bakuna laban sa COVID-19 sa kumpletong doses,” pahayag pa ni Duque.
Samantala, nilinaw ng DOH na ang datos ng mga taong naka-missed ng second dose ng bakuna, na iprinisinta sa Town Hall session ng DOH sa COVID-19 Vaccine Prioritization, Masterlisting, at Registration ay independent assessments ng health experts at maaaring iba sa aktuwal na bilang.
Ayon kay DOH Spokesperson Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire, ang napaulat na missed schedules para sa second dose ay estimates lamang o base sa pagtaya.
Aniya pa, base sa datos ng National COVID-19 Vaccination Operations Center, ang aktuwal na bilang ay 9% ng mga tao lamang ang nagpaliban ng kanilang second dose o 113,000.
Ilan aniya sa dahilan nang pagpapaliban ng mga ito ay ang kanilang pagkakasakit, pagka-expose sa COVID-19 patients o ‘di kaya ay pagsailalim sa quarantine.
“The reported missed schedules for 2nd dose are estimates and based on certain assumptions. According to the National COVID-19 Vaccination Operations Center, actual numbers show that 9% of people have deferred their second dose, roughly 113,000 individuals, and the most common reasons for such deferrals include: getting sick, getting exposed to someone positive for COVID-19, or undergoing quarantine,” ayon kay Vergeire.
Ang naturang percentage aniya ay maaari pang bumaba dahil ang mga local government unit ay nakikipag-uganayan sa mga vaccine recipients at malaunan ay nahihikayat ang mga ito na magpaturok na rin ng kanilang second dose. Ana Rosario Hernandez
970585 552218Yay google is my king aided me to uncover this wonderful internet site ! . 541447
754626 195759HURRAY! cant balladeer. by virtue of himself by what name highly. 669463