Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga sementeryo at memorial parks na itinuturing na mga pampublikong lugar.
Sinabi ni MMDA acting Chairman Carlo Dimayuga III na ang lahat ng mga lokal na pamahalaan sa Kalakhang Maynila ay may ordinansa na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Inatasan ang mga binuong Smore-Free Task Forces na tiyakin na nasusunod ang anti-smoking ordinances.
Multang P500 hanggang P5,000 ang kakaharapin ng mga mahuhuling lalabag.
Pinaalalahanan din ang mga dadalaw sa puntod na mag-ingat at sundin ang COVID 19 minimum health protocols.
Nasa 1,500 na personnel ang ipakakalat ng MMDA para sa traffic management sa mga bus terminal at sa mga malalaking sementeryo sa Metro Manila.
Sususpendihin din ang number coding scheme simula sa Oktubre 29 hanggang sa Nobyembre 1.
Muling iiral ang number coding scheme sa Nobyembre 2.
“There will be an influx of passengers po sa aming..mga tao po malapit sa mga major public cemeteries.
So we will be there, the MMDA will be there po para to help in the traffic management in those areas po,” pahayag ni Carunungan sa inaasahan na pagdagsa ng mga pasahero sa mga terminal.
Kanya kanya ring uwi sa probinsya ang mga pasahero kaya tinitiyak ng MMDA na magiging maayos ang lagay ng trapiko sa Kalakhang Maynila.