(Paalala ng PhilHealth sa public facilities) PASYENTE IPAREHISTRO SA POS PROGRAM

philhealth

PINAALALAHANAN ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang lahat ng health care institutions (HCIs) na irehistro ang kanilang mga pasyente na financially incapable (FI) sa ilalim ng Point of Service (POS) program sa loob ng 72 oras matapos ang assessment upang hindi ma-denied ang kanilang claims.

Ang pahayag nito ng PhilHealth ay dahil na rin sa ulat na nabibinbin ang claims dulot na kabagalan ng HCIs na irehistro ang kanilang pasyente sa tamang oras, minsan ay na-discharge na bago pa mai-file.

Ang POS program ay pinondohan ng Government Appropriations Act (GAA) para sa mga Filipinong kapos sa pananalapi sa ilalim ng National Health Insurance Program (NHIP) kabilang ang unregistered at inactive registered members.

Ang mga Filipino na saklaw sa ilalim ng POS Program na ina-admit sa ward ay ang mga walang kakayahang magbayad ng kanilang PhilHealth contribution na nasa ‘classification on indigents’ ng Department of Health na kung saan ang pamahalaan ang magbabayad ng kanilang premiums.

Kaugnay nito, handa na ang tanggapan ng PhilHealth na i-proseso ang PhilHealth Identification Number (PIN) ng mga pasyenteng naka-enroll sa POS-FI matapos na irehistro ng HCIs.

Comments are closed.