CAMP CRAME- Pinaalalahanan ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Guillermo Eleazar ang publiko na obserbahan ang minimum health safety standards sa pagpaparehistro para sa National ID System (Philsys).
Ang paalala ay ginawa ng PNP Chief kasunod ng insidente sa isang mall sa San Jose Delmonte, Bulacan kung saan nagdagsaan ang mga nagparehistro kahit walang appointment.
Kumalat sa social media ang mga larawan ng insidente kung saan kapansin-pansin na hindi nasunod ang physical distancing.
Ayon kay Eleazar, maganda ang layunin ng National ID, pero ang pagpaparehistro ay hindi dapat maging “super spreader event” para magkahawaan ng Covid 19 ang mga mamayan.
Inatasan ni Eleazar ang mga local Police commanders na I-monitor ang mga Philsys registration sites upang masiguro na maiwasan ang mass-gathering at nasusunod ang physical distancing.
EUNICE CELARIO
663736 750707Discover how to deal along with your domain get in touch with details and registration. Recognize domain namelocking and Exclusive domain name Registration. 223787
843313 783146Some actually great articles on this site , thankyou for contribution. 868221
748064 572216Hosting a blog composing facility (in a broad sense) requires unlimited space. So I suggest you to discover such web hosting (internet space provider) that give flexibility inside your internet space. 722227