(Paalala ng PNP sa paglabas ng mga bata) MGA MAGULANG MAG-DOBLE INGAT

BINIGYANG  diin ng Philippine National Police (PNP) na kanilang paiiralin ang “maximum tolerance” sa pagpapatupad ng health protocols.

Ito’y makaraang payagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga limang taong gulang na bata pataas na makalabas sa kanilang mga tahanan.

Nagpaalala naman si PNP Chief, Gen. Guillermo Eleazar sa mga magulang na magdoble ingat sa paglabas kasama ang anak lalo na sa mga pampublikong mga lugar.

Sinabi rin ni Eleazar na marami pa ring mga lugar na mahigpit na ipinababawal ang pagpasok lalo na sa mga establisimyento gaya ng malls.

Paliwanag pa ni Eleazar, hindi dapat makampante ang mga magulang na isama sa labas ang mga anak dahil sa banta ng mga bagong variant ng COVID-19.

Aniya, mananagot ang mga magulang na lalabag sa ipinatupad na panuntunan. DWIZ882

71 thoughts on “(Paalala ng PNP sa paglabas ng mga bata) MGA MAGULANG MAG-DOBLE INGAT”

  1. 169374 506729This design is steller! You obviously know how to maintain a reader amused. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own blog (well, almostHaHa!) Great job. I really enjoyed what you had to say, and far more than that, how you presented it. Too cool! 684604

Comments are closed.