HINIMOK ni Senador Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate Committee on Health and Demography, ang publiko na sundin ang mahahalagang alituntunin sa kalusugan na idinisenyo upang maiwasan ang COVID-19 at iba pang mga sakit, sa panahon ng relief activity para sa mga mahihirap na residente sa Bustos, Bulacan noong Miyerkoles, Hulyo 18.
“Mga kababayan ko, nakikiusap po ako sa inyo na huwag maging kumpiyansa. Kahit na lumuluwag na ang ating health restrictions, andiyan pa rin po ang banta ng COVID-19. Magpabakuna at magpabooster shots na po kayo dahil ang bakuna po ang tanging susi sa ngayon para makabalik tayo sa normal na pamumuhay,” saad ni Go.
Hinimok ni Go ang mga may isyu sa kalusugan na bisitahin ang alinman sa tatlong Malasakit Centers sa lalawigan kabilang ang Bulacan Medical Center sa Malolos City, Ospital ng Lungsod ng San Jose del Monte sa lungsod, at Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital sa Sta. Maria.
Ang programa ng Malasakit Centers ay na-institutionalize sa ilalim ng Republic Act No. 11463, na pangunahing inakda at itinataguyod ni Go sa Senado. Ang Batas ay naglalayon na magbigay ng tulong sa mga mahihirap na pasyente at tulungan sila sa kanilang mga bayarin sa ospital at iba pang mga alalahanin na may kaugnayan sa kalusugan.
“Huwag kayong matakot pumunta sa ospital kung wala kayong pera. Nasa loob na ng isang opisina ang mga ahensya na tutulungan kayo sa inyong babayaran,” dagdag ni Go.
Sa pakikipag-ugnayan sa tanggapan ni Mayor Iskul Juan, namahagi si Go at ang kanyang pangkat ng mga grocery packs, meryenda, bitamina, maskara, at kamiseta sa 1,000 residente na nagtipon sa Bustos Gymnasium. Namigay rin sila ng mga bisikleta, bagong pares ng sapatos, cellphone, kamiseta, relo, at bola para sa basketball at volleyball sa mga piling tatanggap.
Samantala, nagpaabot din ng suportang pinansyal ang Department of Social Welfare and Development sa mga residente.
Bukod dito, ibinahagi ni Go na ang Kongreso ay naglaan ng kinakailangang pondo para sa Department of Health para makapagtayo ng 15 Super Health Centers sa lalawigan.
“Mayroon 307 na itatayo na Super Health Center sa year 2022 sa buong Pilipinas at 322 na Super Health Center sa year 2023 sa buong Pilipinas kasali na diyan ang 15 sa Bulacan. Bilang chairman sa Committee on Health sa Senado, sisikapin ko na ma-improve ang ating healthcare system at ilapit natin ang serbisyong medikal sa ating mga kababayan,” pangako ng senador.
Alinsunod sa kanyang pangako na tulungan ang lungsod at ang nalalabing bahagi ng lalawigan, sinuportahan ni Go ang rehabilitasyon ng Bulacan State University Activity Center at ang pagtatayo ng multipurpose building sa Malolos City. Sinuportahan din niya ang pagtatayo ng mga drainage, pagkakaloob ng mga kagamitang medikal para sa mga lokal na ospital, pagpapabuti ng Pandi District Hospital, at pagkonkreto ng farm-to-market road sa San Ildefonso.
Pinasalamatan ni Go sina Congresswoman Tina Pancho, Governor Daniel Fernando, Vice Governor Alex Castro, Mayor Iskul Juan, Vice Mayor Martin Angeles, at iba pang opisyal sa kanilang dedikasyon at pangako sa paglilingkod sa kanilang mga nasasakupan.
“Mga kababayan ko, mag-ingat po tayo. Magdasal po tayo, magtulungan po tayo, magbayanihan po tayo, magmalasakit po tayo sa ating kapwa Pilipino. Magtiwala lang po kayo sa gobyerno at makakaahon din po tayo bilang nagkakaisang mamamayang Pilipino,” ayon sa senador.
Sa parehong araw, personal na binisita ni Go ang bayan ng San Miguel, kung saan tinulungan niya ang 1,000 higit pang mga mahihirap at nag-inspeksyon sa Super Health Center ng bayan.