PAALALA NI BONG GO: STAY SAFE NGAYONG HOLIDAY

SA  kabila ng mga hamon na dala ng pandemya at iba pang sitwasyon ng krisis, nananatili si Senador Christopher “Bong” Go sa pagpapalaganap ng holiday cheer sa mga pinakamahihirap dahil hinikayat niya ang kanyang koponan na magbigay ng tulong sa mga mahihirap sa Cagayan de Oro City, Misamis Oriental noong Huwebes , Disyembre22.

“Sa lahat ng kababayan natin diyan sa CDO, maraming salamat sa inyong patuloy na suporta sa gobyerno. Alam kong mahirap ang panahon ngayon kaya naman kami sa gobyerno ay patuloy na magseserbisyo upang makapaghatid ng kaunting kasiyahan,” ang video message ni Go.

Pinaalalahanan ni Go ang publiko na manatiling disiplinado sa mga basic health protocols ng gobyerno para mapangalagaan ang kanilang sarili, pamilya at komunidad mula sa banta ng virus, lalo na ngayong holiday season.

“Merry Christmas po sa inyong lahat. Patuloy lang po tayo magdasal at malalagpasan din natin ang krisis na ito. Ang kalusugan ni’yo po ang pinakaimportante sa panahon na ito, kaya nakikiusap po ako na huwag maging kumpiyansa at sumunod pa rin sa mga health protocols,” anang senador.

Ang outreach team ng senador ay namahagi ng mga damit, maskara, at meryenda sa 250 residente sa Brgy. Nazareth gymnasium. Namigay rin sila ng bisikleta, cellular phone, pares ng sapatos, at ilang payong at bola para sa basketball at volleyball sa mga piling indibidwal.

Nagbigay rin ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development para matulungan ang mga residente na matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Bilang Tagapangulo ng Senate Committee on Health and Demography, nag-alok si Go ng karagdagang tulong sa mga may problema sa kalusugan habang pinayuhan niya silang bisitahin ang mga malalapit na Malasakit Center sa Northern Mindanao Medical Center at J.R. Borja General Hospital sa lungsod.

“Meron na tayong 153 Malasakit Centers sa buong bansa. Ang Malasakit Center ay one-stop shop na kung saan ang apat na ahensya ng gobyerno ay nasa loob ng ospital. Ito ang PhilHealth, Philippine Charity Sweepstakes Office, Department of Health at DSWD na handang tumulong sa inyong lahat,” paliwanag ni Go na principal author at sponsor ng batas.

Suportado ng senador ang pagtatayo ng mga Super Health Center sa Barangay Balubal at San Simon sa Cagayan de Oro City, gayundin sa mga bayan ng Binuangan at Libertad. Ang mga sentrong ito ay mag-aalok ng mga pangunahing serbisyo tulad ng out-patient, panganganak, isolation, diagnostic (laboratory: x-ray, ultrasound), pharmacy, at ambulatory surgical unit. Ang iba pang magagamit na serbisyo ay serbisyo sa mata, tainga, ilong at lalamunan (EENT); mga sentro ng oncology; physical therapy at rehabilitation center; at telemedicine, kung saan gagawin ang malayuang pagsusuri at paggamot sa mga pasyente.

“Tandaan ninyo, minsan lang tayo dadaan sa mundong ito. Kung ano mang kabutihan ang pwede natin gawin sa kapwa tao natin ay gawin na natin ngayon dahil hindi na tayo babalik sa mundong ito. Patuloy kami na magseserbisyo sa inyo dahil para sa amin, ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos,” pagtatapos ni Bong Go.