PINAALALAHANAN ni Presidente Rodrigo Duterte ang mga kinauukulang ahensiya at mga lokal na opisyal na tiyakin na uunahin ang pangangailangang medikal ng mga evacuees o mga biktima ng super typhoon Odette.
Naglabas ng direktiba si Duterte sa command conference sa local officials at military officials sa General Benito Ebuen Air Base sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Ang pulong ay ginawa noong Huwebes ngunit ang video recording ay inere ng Sabado.
“’Yung evacuation centers, ‘yun ang pinakadelikado.You only need one cough — coughing person there — mag-ano na ‘yan, magkalat na ‘yan (to spread) because you crowd people and congregate them in one place,” dagdag nito.
Binigyang-diin niya ang pangangailangang tiyakin na ang mga evacuee ay panatilihin ang kanilang distansya sa isa’t isa sa gitna ng banta ng bago at mas madaling maililipat na mga variant ng Covid-19.
“Ang isang concern ko ‘yung health. Araw-araw man sana nandiyan. Ang ano, ‘yung making the rounds in evacuation areas para ma-ano ‘yung mga tao that they can be attended to with their medical needs,” dagdag ng Pangulo.
Duterte also tapped the military and police to handle the distribution of financial aid and other forms of assistance to typhoon-stricken communities.
“All assets of the government must be utilized. So mag-shortcut na lang ako. The money will be distributed by the military. Si (Interior Secretary) General (Eduardo) Año will supervise ‘yung areas na kagaya dito, highly urbanized, ano naman lahat, diretso na sa… Tutal (Anyway) from the military, it would go to the LGUs (local government units),” ayon pa sa Pangulo.
Nilinaw nito na ang pagtatalaga niya sa militar ay hindi nangangahuluhan na wala siyang tiwal sa local government.
“Do not think that I am not — I do not trust the local officials. But in times of disorder, kailangan talaga (there should be) even in the matter of ‘yang pag-escort ng mga truck na nagdadala ng ano, nagkakagulo kaagad ang tao eh (escorting trucks bringing aid, there is chaos). So the police must be there and the military… to see to it that the intention and the expectations of government are realized,” dagdag ng Pangulo.
May lugar pa umano ang hindi maabot dahil sa mga nakaharang sa kalsada tulad ng mga bumagsak na puno.
Umaasa siyang makararating sa lahat ang ipadadalang tulong.
Nauna nang tiniyak ni Duterte sa mga biktima na ang gobyerno ay nakalikom ng PHP10 bilyon para sa pagtugon sa bagyo.
Ipinaliwanag ni Acting Budget secretary Tina Rose Canda na sa halagang ipinangako ni Duterte bilang tulong sa bagyo, PHP6 bilyon ang magmumula sa panukalang PHP5.024 trilyon na pambansang badyet para sa 2022.
Ang pambansang badyet para sa susunod na taon ay naghihintay na lamang ng lagda ni Duterte. PNA