(Paalala sa employers:) DOUBLE PAY KAPAG PUMASOK NG PASKO AT BAGONG TAON

Double Pay

MAYNILA – NAGLABAS ng paalala ang iba’t ibang labor organization sa mga employers o  kompanya hinggil sa tamang pasahod sa mga mang­gagawang pumasok sa araw ng Pasko at Bagong taon.

Sinasabing may tamang komputasyon sa sasahurin ng mga empleyadong papasok ng holiday o ‘yung mga “on call” o kailangan pumasok sa kanilang mga kompanya.

Kapag Pasko o Bagong Taon, na tinuturing din na regular holiday ay 200 porsiyento ng kanilang daily wage ang ibabayad sa mga pumasok na mang­gagawa.

Habang 100 porsiyento ng kanilang daily wage ang tatanggaping sahod  ng mga hindi papasok ng nasabing pista opisyal.

Iba naman ang sahod kapag mag-o-overtime pa ang papasok na empleyado.

Maaaring mas mataas pa ito kung may collective barganing agreement na pinirmahan ang mga empleyado at employer.

Kapag naman papasok ng bisperas ng Pasko at Bagong Taon – na tinaguriang special non-working holidays, 130 porsiyento ng daily wage ang maaaring sahurin ng empleyado.

Wala namang sasahurin ang mga hindi papasok ng mga special non-working holiday. VERLIN RUIZ

Comments are closed.