NAGLUKSA ang sektor ng kalakalan sa bansa sa pagpanaw ng dalawang higanteng businessmen kamakailan.
Labis itong ikinabigla at ikinalungkot ng mga taong malalapit sa kanila, gayundin ng kanilang mga mang-ga-gawa na nagmamahal sa kanila.
Si business leader at Aboitiz Equity Ventures Inc. (AEV) chairman Jon Ramon Aboitiz ay sumakabilang-buhay noong Biyernes, Nobyembre 30, habang si Dr. George S.K Ty, founder ng Metrobank group, ay pumanaw noong Nobyembre 23.
Sina Ty at Aboitiz ay dalawa lamang sa itinuturing na haligi ng sektor ng kalakalan sa bansa at makailang beses na pinarangalan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa malaking naiambag ng mga ito sa bayarin sa buwis at pagpapaunlad ng negosyo.
Inalala ng mga worker sa kompanyang pinamamahalaan ni Mr. Aboitiz ang mga kabutihan nito, lalo na sa mga karaniwang manggagawa. Namatay siya sa isang karamdaman sa edad na 70.
Ang Aboitiz Equity Venture, Inc. ay nabibilang sa mga itinuturing na conglomerates na nagpalago ng negosyo sa power, banking, food, transport, real estate at infrastructure na may assets na nagka-kahalaga ng P300 bilyon.
Si Aboitiz ay kabilang sa fourth generation leaders. Siya ay apo ni Don Ramon Aboitiz na ang amang si Pauli-no Aboitiz ay nagsimula lamang sa maliit na business gaya ng abaca trading at general merchan-dise enterprise sa Ormoc, Leyte.
Sa panahon ng kanyang kamatayan, siya rin ang chairman ng Aboitiz & Co., Inc. (ACO) at chairman and chief executive officer ng Ramon Aboitiz Foundation Inc., ang foundation ng Aboitiz family.
Sa pagpanaw naman ni George Ty, sinabi ni former Chief Justice Artemio Panganiban na: “God had been kind to him because all his business ventures have been successful. In thanks giving, he wanted to donate 10 percent of his wealth to philanthropy. Given that he is one of the riches men in our coun-try. A 10 percent is quite a hude sum. Consider also that corporations give only a maximum of 2 per-cent of their net income to charity.”
Pero sabi nga ni Justice Panganiban, gusto ni Mr. Ty na ipagkaloob ang 10 percent ng kanyang total wealth at iyon ay isang pangako na gusto niyang magkaroon ng katuparan.
“From this huge wealth, he initially set aside P1 billion to establish the non-profit Toyota Motor Philip-pines School of Technology. To help eradicate extreme poverty, the school would focus on science and technology,” ani Panganiban.
Itinayo ni Ty ang Metrobank noong 1962 at pinalago ang bangko upang umabot ito sa ibayong dagat.
Kabilang sa Metrobank Group ang 18 domestic subsidiaries, partners at affiliates sa iba’t ibang industri-ya at 32 foreign branches, subsidiaries at representative offices.
Si Ty ay de facto chairman emeritus magmula noong 2008 at pinamumunuan ng kanyang mga anak na sina Arthur at Alfred ang maraming kompanya sa group.
“Ty was recognized not only for his exemplary achievements in business but also for his generous phi-lanthropy through the Metrobank Foundation. His commitment to contribute to the Philippines’ eco-nomic prosperity as well as to nation-building will continue to be lived by the Group,” ayon sa state-ment ng Metrobank.
Ang pagkamatay ng dalawang higanteng negosyante ay malaking kawalan sa business sector.
Gayunman, naniniwala at nagtitiwala ang business community na ipagpapatuloy ng mga naulila ng mga ito ang pagpapalago at pagpapaunlad sa sinumulan nilang mga negosyo sa bansa.
(Para sa mga komento o opinyon, mag-text lamang po sa 09293652344/ 09266481092 o mag-email sa [email protected].