PAALAM, HENRY SY

HENRY SY-2

SUMAKABILANG-BUHAY na ang pinakamayamang tao sa Filipinas na si Henry Sy, Sr., founder ng  SM Group, kahapon ng umaga sa edad na 94.

“Henry Sy, Sr. passed away peacefully in his sleep early Saturday morning. There are no further details at the moment,” pahayag ng SM Group.

“We are truly grateful for the outpouring of sympathy on the passing of our father, Henry Sy, Sr. May we respectfully ask for privacy today to give the family time to reflect and to finalize arrangements,” sabi ng pamilya Sy sa hiwalay na pahayag.

Isang retail, property at banking magnate, si Sy ay nanguna sa Forbes Magazine’s Philippines’ Richest list sa 11 magkakasunod na taon.

May net worth na $20 billion, ang chairman emeritus ng conglomerate SM Investments Corp. ay ika-52 sa pinakamayaman sa mundo.

Siya rin ang chairman emeritus ng SM Prime Holdings Inc., SM Development Corp., at Highlands Prime Inc., BDO Unibank Inc., at honorary chairman ng China Banking Corp.

Itinayo ni Sy ang ­unang Shoe Mart store noong 1958 sa Carriedo, Manila.

Naulila ng business leader ang kanyang magbahay na si Felicidad Tan, at anim na anak na sina Teresita Sy-Coson, Hans Sy, Harley Sy, Elizabeth Sy, Herbert Sy at  Henry Sy, Jr.

Si Teresita, ang ­panganay, ay nagsisilbing vice chairman ng SM Investments Corp. at chairperson ng BDO.

Si Henry, Jr. ay co-vice Chairman ng  SM Investments Corp. at chairman ng  SM Prime Holdings Inc. at Highlands Prime, Inc. Siya rin ang chairman at CEO ng SM Development Corp.

Sina Hans, Harley, Elizabeth at Herbert ay humahawak naman ng iba’t ibang directorial at executive positions sa SM Group.

Samantala, nakidalamhati ang Malakanyang sa pagpanaw ni Sy.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kinilala ang kontribusyon ni Sy sa ekonomiya ng bansa.

Aniya, ginawa ni Sy na magandang karanasan sa mga Filipino at mala­king bahagi ng pamumuhay sa lungsod ang pagpunta sa mall.

Nagsilbing inspi­rasyon din, aniya, sa maraming Filipno si Sy na yumaman dahil sa sipag sa pagtatrabaho.

Dagdag ng Palasyo, si Sy ay ehemplo ng isang masigasig na Pinoy at bilang ama ay hinubog nito ang kanyang mga anak sa sariling imahe na mapagkumbaba, masipag at taong may prophetic vision.

Nakikiisa, aniya, ang Palasyo sa pagdarasal para kay Sy at sa mapayapang paglalakbay ng kaluluwa nito sa panghabambuhay.

Comments are closed.