Paalam, Maoi, Sir Gus

on the spot- pilipino mirror

NAKABIBIGLA ang bumungad na balita sa  FB at marami ang nakikiramay  sa pamilya ni Maoi Roca, ang dating LA Salle player.

Dalawang beses kong nakita ‘yung post  ni Maoi sa kanyang FB account — ang una ay humihingi siya ng prayers para sa mabiils niyang recovery. May nakakabit na oxygen sa kanya, marahil ay nahihirapan itong huminga.

Kinabukasan ay wala na ‘yung oxygen, nakatayo na siya at sa picture niya ay naka- smile na siya. At sabi pa nga ni Roca, nawa’y tuloy-tuloy na ang magandang pakiramdam niya.

Kahapon bago mananghali ay nakita ko ang post ng isang kasamahan ni Maoi na

nakikiramay sa pamilya ng player. Wala na ang dating manlalaro ng BATANGAS BLADES sa MBA  at La Salle Green Archers. Nakakagulat pero ganoon talaga ang buhay. Hanggang doon lang ang kanyang hirram na buhay nakalulungkot man para sa mga mahal  niya sa buhay. Tapos na ang kanyang paghihirap.

Till we meet again, Maoi Roca.

vvv

Taos-puso rin kaming nakikiramay sa pamilya ni Sir Gus Villanueva na namayapa kahapon sa edad  na 83. Si Sir Gus ay dating sports edtior ng People’s Tonight kung hindi po ako nagkakamali. Naging presidente siya ng PSA o Philippine Sports Association. Isa siya sa mga editor na mabait at madaling lapitan, down to earth. Bye, Sir Gus.

vvv

Mukhang pagkatapos ng mga player ay ang mga coach naman ang puntiryang i-recruit ng Japan B. League.

Wala na ba silang makuhang  mahuhusay na basketbolista kaya mga de kalibreng coach naman ang kanilang pinapirate ngayon sa bansa, lalo na sa PBA.

May nagpapalipad  hangin na pala noon pa kay coach Chito Victolero ng Magnolia Hotshots na isang team sa B. League. Gusto  nitong pangunahan ni coach Victolero ang isa sa mga koponan sa Japan dahil talunan.

Sa ganda ng ipinakita ng Hotshots sa Philippine Cup ay maraming humanga sa diskarte ni coach Chito. Good luck na lang sa Japan B. League kung tatanggapin nito ang alok sa kanya na may katapat na malaking salary.  Abangan.