PAALAM SA IKATLONG HARI

doc ed bien

Hari ng kontrabida. Maliban sa ilang artista sa ngayon, wala na halos makasusunod sa yapak ng tatlong icons. Kailan lamang ay pumanaw na ang panghuli sa triumvirate ng pelikulang Filipino.

Personal ko siyang naging pasyente minsan sa dating Amezcua Wellness Center, QC at naikuwento niya kung gaano karaming bitami­na at supplements ang kaniyang iniinom araw-araw to stay healthy. Proof of the matter is he lived until 90 years old at hindi sana namatay kung hindi dahil sa freak accident.

SI MANOY

MANOY-5Ipinanganak bilang Eduardo Verchez García noong May 2, 1929 at namatay last June 20, 2019 sa edad na 90. Ipinagmamalaki natin dahil siya ay tubong Sorsogon, Bicol. Gumanap sa higit na 600 na pelikula, at kadalasan ay bilang kontrabida sa mga pinakasikat na aktor. Naitalaga sa FAMAS Hall of Fame at nanalo bilang Best Actor, Best Supporting Actor, at maging Best Director.

Ayon sa kaniyang pamilya, Manoy as he is fondly called, maintained a healthy lifestyle through exercise, vitamin supplements, and healthy diet, stressing he preferred fish and vegetables more than meat. He described his lifestyle as “everything in moderation: food, work, even fitness, and workout.”

ANG CERVICAL FRACTURE

BUNGONitong June 8, 2019, itinakbo si Eddie García sa Mary Johnston Hospital sa Tondo, matapos matalisod sa kableng nakalawit. Makikita sa ilang post sa YouTube ang pagtama ng kaniyang ulo sa semento ng kalsada. Inilipat siya sa Makati Medical Center para mailagay sa ICU at kabitan ng life support system dahil sa kritikal na kondisyon.

Sinabing nabali ang kaniyang mga buto sa leeg or cervical fracture. Pito ang buto sa leeg na tinatawag na cervical vertebrae. Sinusuportahan nito ang ulo at nakapaloob dito ang napakahalagang mga ugat galing sa utak or spinal nerves. Ito ang responsable sa ating paghinga, pagtibok ng puso at pag galaw ng katawan.

CARE AND PREVENTION

In a trauma situation, the neck should be immobilized. Hindi ito nagawa sa kaso ni Manoy dahil pinilit siyang buhatin at maisakay sa taxi ng walang suporta sa leeg. This unfortunate incident may have caused circulatory shock and ultimately paralysis. Treatment will depend on which of the 7 cervical vertebrae are damaged and the kind of fracture sustained. A minor compression fracture can be treated with a cervical brace worn for 6 to 8 weeks until the bone heals. A more complex or extensive fracture may require traction, surgery, 2 to 3 months in a rigid cast, or a combination of these treatments. Sayang at hindi naagapan si Manoy. Paalam.

SI PIDOL

PIDOLIpinanganak bilang Rodolfo Vera Quizon Sr. noong July 25, 1928 at namatay noong July 10, 2012 sa edad na 83.

Simple lang ang kanilang buhay sa Tondo habang ang ama ay mekaniko at ang ina ay mananahi. Nagtitinda si Dolphy ng mani at butong pakwan sa mga sinehan noong kaniyang kabataan at doon niya pinangarap ang maging artista.

Sumikat siya sa una niyang TV show na “Buhay Artista”. Binabayaran siya ng talent fee na P250-P300 sa bawat programa sa radyo at P500 naman sa telebisyon. Sumunod na ang kasikatan sa pelikula nang ginampanan niya ang role bilang “Facifica Falayfay”. Minahal siya ng sambayanan sa role niya bilang uliran ngunit mahirap na ama sa hit show na John & Marsha.

ANG C.O.P.D.

Sa aking pagkaalala ay dati siyang naninigarilyo. Madalas rin siyang biruin bilang hikain. Ilang beses siyang pabalik-balik sa ospital dahil sa hirap sa paghi­nga. Multiple organ failure, due to complications by pneumonia at chronic obstructive pulmonary disease ang kaniyang ikinamatay.

Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD) is a term used to describe progressive lung diseases including emphysema, chronic bronchitis, and asthma. Damage to the air sacs causes emphysema. Damage to the bronchial tubes causes chronic bronchitis. COPD is a progressive and currently incurable. Itigil na ang paninigarilyo.

SI DA KING

FPJIpinanganak bilang Ronald Allan Kelley Poe, noong August 20, 1939 at namatay noong December 14, 2004 sa edad na 65.

Bata pa kung tutuusin para sa isang matipuno at “hari ng aksiyon”. Pou is the original spelling of the family’s surname from his paternal grandfather, Lo­renzo Pou, a migrant from Spain.

Tumakbo siya sa pagkapangulo ng bansa sa ilalim ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino noong Mayo 2004. Napilitan siyang mag-drop out sa kolehiyo sa pagkamatay ng ama dahil sa rabies. Namasukan siya bilang messenger at stuntman sa pelikula. Una siyang sumikat nang ginawa ang palikulang “Lo Waist Gang” noong 1957 at ginaya naman ang mga kalalakihan. Noon pa man pala ay nauso na ang pagsusuot ng pantalon na hanggang tuhod ang pundiya. Sa rappers diyan, huli na kayo.

ANG STROKE AT COMA

Dinala si FPJ sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City gabi ng December 11, 2004 dahil sa sobrang pagkahilo habang sila’y nagdiriwang ng Christmas party sa kaniyang studio. Sinasabing siya ay na-stroke at nauwi sa coma dahil sa brain clot. Doctors described his condition as a cerebral thrombosis with multiple organ failure.

A stroke may be caused by a blocked artery called ischemic stroke. Another is the leaking of a blood vessel called hemorrhagic stroke. About 80% of strokes are ischemic strokes. Ischemic strokes occur when the arteries to the brain become narrowed or blocked. A thrombotic stroke occurs when a blood clot or thrombus forms in one of the arteries that supply blood to the brain. A clot may be caused by fatty deposits that build up in arteries and cause reduced blood flow.

Payo sa ating mga kababayan, bawas-bawasan na ang pakikipag-inuman.

oOo

Salamat po sa pagsubaybay sa ating artikulo tuwing Lunes. Para sa mga dagdag ninyong katanungan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa programang Kalusugang Ka-BILIB or text sa (0999) 414 5144 or visit our Facebook account: lebien medical wellness. God bless dear readers!

Comments are closed.