MATATAPOS na ang 2024 at salamat naman at naitawid ang 366 araw nang maayos at mapayapa.
Ang 2024 na tinawag ding ‘Leap Year‘ ay mayroong 366 araw habang ang regular year ay 365 araw.
Maraming kaganapan ngayong taon mula sa pagkakatala ng trahedya dahil sa mga nagdaang kalamidad.
May mga namapayapa ring kilalang personalidad sa mundo ng showbiz and entertainment gaya nina Jaclyn Jose, Ronaldo Valdez, Deo Endrinal, Mother Lily Monteverde at Carlo J. Caparas.
Sa media industry, ikinalungkot ang pagpanaw nina Mike Enriquez at sports Journalist Chino Trinidad.
Sa mga foreign artist naman ay si Liam Payne ng One Direction.
Ang bagsik ng mga Bagyong Carina, Kristine at Pepito sa agrikultura ay naranasan din ngayong taon, gayundin ang paglubog ng MV Terra Nova noong Agosto.
Gayunman, kahit may mga negatibong pangyayari na naganap sa bansa, mayroon din namang magaganda.
Isa rito ang pagwawagi ni gymnast Carlos Yulo ng dalawang ginto sa Paris Olympics, dahilan para hangaan ang mga Pilipino at muling mabasa sa pahayagan ang kagalingan ng Pinoy.
Ang mga resulta ng foreign trips ni Pangulong Bongbong Marcos, ang pagpigil na bumulusok ang piso kontra dolyar, gayundin ang hind pagtaas sa presyo ng bilihin ngayong Disyembre.
Paalam at salamat, 2024. Welcome, 2025.