PUMANAW na si veteran coach at grassroots basketball father Nic Jorge kahapon ng umaga sa gulang na 78.
Naulila niya ang kanyang maybahay na si Marilyn at mga anak na sina Nick, Veronica at Victor, at Monica, at mga apong sina Niccolo at Enzo.
Itinatag ni Jorge, na nasawi sa kanyang pagkakatulog, ang Milo BEST (Basketball Efficiency and Scientific Training) Center noong 1979, isang sports clinic na humubog kina Jerry Codinera, Jun Limpot, Rey Evangelista, Joseph Yeo, Larry Fonacier at Kiefer Ravena.
Siya ang coach ng Philippine team na sumabak sa 1978 FIBA World Cup sa Manila.
Sinimulan ni Jorge ang kanyang coaching career bilang mentor ng University of the Philippines at ginabayan ang Manhattan Shirtmakers sa PBA noong 1983.
Nagsilbi siyang secretary general ng noo’y Basketball Association of the Philippines, na pinalitan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas kung saan nagsilbi si Jorge bilang miyembro ng board bago umalis sa SBP para tutukan ang kanyang BEST Clinic.
Comments are closed.