PAANO ANG TAMANG PAGGAMIT NG CREDIT CARD?

AskUrBanker

HELLO everyone! Ito po ang AskUrBanker. Tuwing Sabado, ako po ang inyong makakasama, ang inyong Kuya Mark, at ako po ang tutulong sa inyong humanap ng kasagutan sa inyong mga question marks about banking.

Ngayong Sabado, ating pag-usapan ang tungkol sa responsableng paggamit ng CREDIT CARDS.

Magandang magkaroon ng credit card, subalit kailangan din nating maintindihan na isa rin itong responsibilidad. Narito ang ilan sa mga tips na dapat nating tandaan sa paggamit ng credit card:

  1. Gamitin ang credit card para sa NEEDS at hindi para sa ating WANTS.

Ibig sabihin, ang credit card ay hindi dapat na gamitin para sa mga bagay na magiging luho lamang. Ito ay mahalaga upang hin-di tayo mag-overspend.

  1. Huwag mag-miss ng payment.

Mahalaga ito upang hindi tayo magkaroon ng mataas na interest. Hanggang maaari, bayaran nang buo ang amount due. Kung hindi naman kakayanin, magbayad ng mas mataas sa minimum amount due.

  1. Huwag sagarin ang credit card limit.

Ang credit card ay magandang tool para sa emergencies. Kaya payo ng ating AUBankers, huwag sagarin ang credit limit upang mayroon pa ding available credit sa oras na kailanganin ito.

  1. Mag-ingat sa credit card fraud.

Maging maingat sa paggamit ng credit card upang huwag maging biktima ng credit card fraud at theft. Gamitin lamang ang in-yong card sa mga secured transactions upang hindi makuha ang information ng inyong card. Maging doble ang pag-iingat kapag ginagamit sa online transactions ang inyong card.

Tandaan, maging responsible, at maingat sa paggamit ng credit card upang atin itong ma-maximize at maging mas kapaki-pakinabang.

Alamin din ang iba’t iba pang products at services ng AUB sa www.aub.com.ph o kaya naman ay i-follow ang AUB sa Face-book (AUB.official) o sa Twitter/Instagram at YouTube (AUBofficialph).

Remember, it is always best to AskUrBanker! Hanggang sa susunod.

Comments are closed.