SIKSIK liglig at umaapaw. Naalala ko tuloy si Brother Ely ng Ang Bagong Daan. Ngayong nasungkit ni Hidilyn Diaz ang medalyang ginto sa Tokyo 2020 Olympics sa weightlifting competition, kabi-kabilang papremyo ang ipinaaabot sa kanya bilang pagkilala sa kanyang kabayanihan. Siya ang kauna-unahang Olympic gold medalist ng Pilipinas.
Lagpas pa sa P43 million ang premyo at mga pabuyang cash na matatanggap ni Hidilyn, kabilang na ang P10M mula sa gobyerno, P10M mula sa San Miguel Corporation, P10M mula sa MVP Sports Foundation, P5M mula sa Siklab Atleta Sports Foundation, P3M mula kay Deputy Speaker Mikee Romero, P2.5M mula sa Zamboanga City Government, at P3M mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi pa kasama sa cash incentives ang house and lot sa Tagaytay, dalawang condominium units,
brand new 13-seater van, lifetime free flights mula sa Air Asia at Philippine Airlines, lifetime free gas mula sa Phoenix Petroleum, at promotion ng ranggo sa Philippine Air Force.
Pero ano ang gagawin ng isang simpleng Hidilyn sa bigla niyang pagiging milyonaryo?
Wala pa raw siyang plano ngunit uunahin niya ang pagsi-share ng 10% nito sa Simbahang Katoliko, sa mapipili niyang charity institution at sa weightlifting community, bilang pasasalamat sa tagumpay at mga biyayang natanggap. Gusto raw niyang i-save ito para siguradong hindi siya maghihirap pagdating ng araw.
Ngunit simpleng tao lamang si Hidilyn na sanay sa simpleng pamumuhay, kaya hindi pa niya iniisip kung ano ang gagawin niya sa kanyang pera. In the first place, wala na siyang kailangang bilhin. Mayroon na siyang house and lot sa Tagaytay, may dalawang condo units, at may sasakyan na rin. Wala na siyang bibilhin. Bukod dito, may trabaho naman siya at tataas pa nga ang kanyang ranggo sa Air Force.
Hindi inaasahan ni Hidilyn ang kanyang pagkapanalo kahit hiniling niya ito sa Diyos, dahil natalo siya noon sa Asian Championships bago ang #Tokyo2020 Olympics. Alam niya ang importansya ng practice. Salamat na lang sa matiyagang pagsubaybay sa kanya nina Coach Jeaneth Aro
(nutritionist), Dr. Karen Trinidad (sports psychologist), Kaiwen Gao (weightlifting coach), at ng boyfriend niyang si Julius Naranjo (strength and conditioning coach) na laging
nakaalalay sa kanya. Ayon sa Olympic gold medalist, kung wala sila, hindi niya mararating ang kinalalagyan niya ngayon.
Maraming pinagdaanang pagsubok si Hidilyn bago niya nakamit ang tagumpa. Sa edad na 11 years old ay nagsimula na ang training niya, kasabay ng kanyang pag-aaral. Dahil sa kakapusang pinansyal, hindi consistent ang kanyang training. Ilang beses din niyang inisip na bumitiw, ngunit palagi’y nakasuporta sa kanya ang kanyang pamilya. Naranasan din niyang tuksuhing tomboy, ngunit hindi niya ito pinansin dahil hindi naman ito totoo. At nang oras na para siya lumaban, nagdalawang isip din siya.
Si Doc Karen daw ang kumumbinsi sa kanya at sinabing handa na siya para lumaban. Sinabi raw nito sa kanyang kung maniniwala siya sa kanyang sarili, kaya niya, at tutulungan siya ng Diyos. At kung matalo man siya, ang mahalaga, lumaban siya.
Apat na Olympics na ang nasalihan ni Hidilyn. Una, sa Beijing 2008. Ika-10 pwesto lamang ang Ikalawa, sa London 2012, pero hindi niya natapos ang kanyang laban. Ikatlo, sa Rio 2016, kung saan nakakuha siya ng silver medal. At ito ngang huli ay sa Tokyo 2020, kug saan gumawa siya ng kasaysayan nang sa kauna-unahang pagkakataon ay nakasungkit ng gintong medalya ang Pilipinas sa Olympics.
Malaking pagababago sa kanyang buhay ang dala ng pagiging weightlifting champion ni Hidilyn. Mula sa dating pagiging maralita, isa na siyang milyunaryo ngayon. Sikat na sikat na rin siya saan man
pumunta.
Ngayong nakabalik na siya sa Pilipinas, bukod sa babalik na siya sa training at sa trabaho, sasabak na rin siya sa katakut-takot na press conferences at kung anu-ano pang party.
Nagkakaedad na rin si Hidilyn. Sa gulang na 30 anyos, nakamit na niya ang tagumpay.
Napapanahon na siguro upang harapin niya ang pagkakaroon ng sariling pamilya. — KAYE NEBRE MARTIN
192500 435994Average In turn sends provides will be the frequent systems that supply the opportunity for ones how does a person pick-up biological, overdue drivers, what one mechanically increases the business. Search Engine Marketing 936878
184420 733371I used to be more than happy to seek out this internet-site.. I dont even know how I ended up here, but I thought this post was excellent. A whole lot much more A rise in Agreeable. 772242
271013 335907You got a quite very good internet site, Gladiolus I discovered it through yahoo. 87889