PAANO IMA-MARKET ANG MGA ‘ALANGANIN’ AT SEASONAL PRODUCT?

marketing

HAMON sa marketing community ang pagbebenta ng line of products na alanganin o mga mahihirap itulak dahil iilan lang ang nangangailangan nito at mga seasonal product.

Ang mga alanganing produkto ay ang hindi basic needs gaya ng pagkain, gasolina o  load  (sa cellphone, telcos), kundi posibleng gamit sa bahay gaya ng toilet bowl na bibili lang kapag magpapaggawa ng bahay, at iba pang gamit sa katawan gaya ng tunay na ginto bilang pang-adorno.

Habang ang seasonal product naman ay mga kalakal na sumusulpot din sa pangangailangan gaya ng buwan ng Marso na panahon ng graduation ay marami ang nanga­ngailangan ng toga, kapag Mayo at Hunyo ay mga kwarderno, lapis, papel, pen at iba pang school supplies at ngayong tag-ulan, ang mabili ay kapote, bota, payong at damit na panangga sa basa at lamig.

Ang mga nasabing produkto ay may kani-kaniyang panahon para ibenta subalit ang marketing force ng isang kompanya ay hindi nagpapatali sa panahon.

Bilang mahusay na manager ng marketing division at maging ang mismong boss, bagaman kinikilala na nasa seasonal product sila, wala sa kanila ang “lean season” at doon mino-motivate ang kanilang sales force na nabibigyan pa ng quota.

Dito masusukat ang galing ng isang sales agent and marketing staff kung paano makapagbebenta ng produktong hindi akma sa panahon.

MAGBENTA NG PRODUKTONG HINDI AKMA SA PANAHON AT BATAY SA PANGANGAILANGAN

Pagbebenta ng kandila. Ang produktong ito ay mabili lamang tuwing huling linggo ng Oktubre dahil sa paggunita ng All Saints’ Day sa Nobyembre 1 subalit dahil mahusay na motivator ang sales/marketing manager nagiging matagumpay ang kanilang mga ahente.

Memorial Garden.  Sa kasaysayan ng pagbebenta ng lote sa sementeryo, dito ipinamalas ni dating ALC Chairman Amb. Antonio Cabangon Chua ang husay sa pagbebenta ng produkto ayaw o hindi kailanganin ng marami, ang lupang hu­ling himlayan. Kasabihan noong unang panahon, ayaw nilang mag-invest ng kanilang paglilibingan subalit napagtagumpayan ito ni Amba sa kanyang Eternal Garden.

PAANO NAMAN MAKAPAGBEBENTA NG PRODUKTONG PANG-BUDGET ANG PRESYO?

Mayroon namang mga produktong swak lang sa budget ang presyo subalit kayang makipagpaligsahan sa branded.

Halimbawa nito ang mga infant milk na gawa mula sa sikat na manufacturer kaya mataas ang presyo habang ang iba naman ay naglunsad ng ganoon ding produkto para naman sa mga may maliit na budget.

Batay sa advertisement ng mga sikat na manufacturer, mahusay ang kanilang produkto kahit tingnan pa ang label kung saan nakasaad ang amount ng minerals at nutrients na kapag ikinumpara sa mumurahing gatas ay sad­yang lamang na lamang nga.

Hindi man sabihing depektibo ang produkto, papasok ang galing ng sales agent para ibenta ang gatas na pang-budget wise.

Hindi kailangang sabihinang kapos ang mineral, vitamins at nutrients kundi dapat ay ipokus sa magandang katangian ang ibinebentang produkto.

Magtiwala sa produktong inindorso upang ang inyong target na buyer ay magtiwala rin.

PARAAN PARA MABILI ANG PRODUKTO

  1. Sa pagbebenta ng produkto, maging tapat at magiliw.
  2. Do not engage to blame game. Huwag manisi sakaling hindi nakapagbenta at huwag maghanap ng mali, sa halip dagdagan ang pakikipagkaibigan. Ang isang endorser kapag maganda ang public relations, hindi lang sa labas kundi sa kanyang kasamahan sa trabaho ay madaling makabenta.
  3. Ayusin ang pakikitungo sa kapwa, alalahanin, hindi lamang sa produkto nakahihimok ang iyong puntiryang kliyente kundi sa iyong pagkatao, kung isa kang kapani-paniwala, tatangkilikin ang iyong produkto.
  4. Rule of Thumb: Kapag maganda at masaya ang pakikisama sa kapwa, mismong kliyente at buyer na ang lalapit.

EDU-TAINMENT SA MARKETING KAILANGAN DIN

Malaking tulong din sa pagbebenta ng produkto at kahit serbisyo ang edu-tainment o  education and entertainment.

Sa National Marketing Conference na itinaguyod ng Philippine Marketing Association (PMA) noong Hulyo 18, inanunsiyo ni PMA Arlene Padua ang nakatakdang seminar na The Greatest Marketing Man sa Agosto 9-10.

Ang nasabing conference/seminar na nasa anyo ng musical ay magdudulot ng edu-tainment o education plus entertainment para sa marketing people na magdaragdag ng kanilang kaalaman para makapagbenta ng ano mang line of products na kanilang dala.

“This is musical conference, an edu-tainment, you will learn while enjoying the conference from over 100 speakers like Josiah Go, Miguel Bernas…” ayon kay Miguel dela Rosa ng Mplify at media affairs ng NMC.

Hinikayat din ni Over-all NMC Chairman Donald Lim na dumalo sa nasabing event para maging epektibo sa marketing.

Samantala, naging inspirational speaker para sa nais pumasok sa marketing world sina David Lim ng Green Sun Hotel at Bong Osorio, host ng In the Heart of Business ng DWIZ 882 at maging ang ibinigay na paliwanag ni May Janet, NMC Committee  kaugnay sa pagiging entrepreneur.  EUNICE CALMA-CELARIO

Comments are closed.