PAANO LINISIN ANG DUMI SA SHOWER?

KADIRING gumamit ng maruming shower. Sino naman ang may ayaw ng malinis na banyo? Maraming paraan upang linisin ng mabilis ang banyo, at heto ang ilang para­an upang gawin ito.

Kung bago lang ang dumi o stain, at hindi pa nakadikit sa tiles, tubig at sabon lang pwede na. Pasiritan lamang ng tubig ang dumi matapos lagyan ng sabon. Hindi na kailangan ng brush. Mada­ling tanggalin ang food stains at iba pang dumi. Pag napasiritan na ng tubig, punasan lamang ng basahan at maalis na ang dumi.

Gumamit naman ng kumbinasyon ng liquid soap at tubig kung med­yo madikit na ang dumi. Palalambutin ng liquid soap ang dumi. Gumamit na rin ng sponger at kung hindi pa rin matanggal, gumamit ng brush.

Kung matigas na matigas na ang dumi, gumamit ng chlorine, liquid soap at tubig at i-brush na mabuti. Huwag kalimutang ibabad muna ito ng 10-15 minutes para siguradong maaalis.

Kung ayaw pa rin, magpakulo na ng tubig at ibuhos sa mga stains. Makikita ninyo, lilinis ang banyo ninyo. — SHANIA KATRINA MARTIN