SA PANAHON ng pandemya, puwede ka pa ba maging isang entrepreneur o maging isang negosyante? Kasi nga sa dami ng pinoproblema, parang nahihirapan ka nang mag-isip nang maayos. Kahit saan ka tumingin sa social media, puro negatibo na-man ang nababasa mo at ‘di ka na magkaroon ng inspirasyon. Ganyan ba ang nararamdaman mo?
Alam mo, ka-negosyo, nasa perspekitbo lang lahat ‘yan.
Siguro, ‘wag na natin isantabi ang tunay na nagaganap. Harapin natin na ang pinagdadaanan natin na pandemy ay nandiyan. Isang kalabang ‘di makita. Marami na rin ang namamatay sa buong mundo. Pero teka, nasaan ang inspirasyon ng pagnenegosyo dito?
Ang sa akin ay simple lamang. May oportunidad sa krisis.
O siya, tara na at matuto. Tara na!
#1 Harapin ang Katotohanan
Ok, so nasa krisis tayo ng pandemya. Bukod sa bawal magbukas ng bagong negosyo na may kinalaman sa pakikipagsalamuha sa maraing tao. Kung ang pagkakaroon ng maraming mamimili ang konsepto ng pagkakaroon ng negosyo, paano na lang tayo ni-yan?
Pero ‘di ba, puwede ka namang magkanegosyo online, halambawa?
Kaya naman kung alam mo ang puwede at hindi puwedeng gawin bilang isang mamimili, alam mo na kung ano ang negosyoang puwedeng itayo o hindi.
Alamin mo at magsaliksik din kung hanggang kailan nga ba talaga ang lockdown sa lugar kung nasaan ka. Gaya ngayon, ‘di buong Luzon ang magiging ekstensiyon ng ECQ mula Mayo 1.
Kung gayon, dito pa lang ang katotohanan ng lockdown depende sa lugar ay dapat mong pagtuunan ng pansin.
At kung ikaw naman ay nasa lockdown, alam mo na rin ang iyong mga limitasyon. Ito ang gawin mong basehan ng negosyong nais itayo.
#2 Ibahin ang Pananaw Patungo sa Pagiging Positibo
Magulo na nga, makikigulo ka pa? ‘Yan ang isang pananaw na tila angkop sa panahon ngayon. Kasi kung makikisawsaw ka sa problema, pati ikaw ay mamomoblema na rin.
Ang tamang pananaw ay ang may kinalaman sa tinatawag kong “Slingshot Principle.’ Ang isang slingshot – o tirador sa Filipino– ay sadyang kailangan mong higitin ang pagkakahila bago ito bitiwan para lumipad ang batong nakapaloob dito.
Sa bawat matinding krisis na pandaigdig, nakapaloob dito ang iba’t ibang oportunidad.
Kailangan nga lang magdesisyon ka kung ikaw ang batong papaimbulog o ikaw ang tatamaan ng bato.
Ano ang ibig kong sabihin dito? Simple lang. Kapag nakakuha ka ng tamang tiyempo at nakakita ka ng oportunidad sa pagne-negosyo, tiyak na ikaw ang makikinabang nang husto dito.
Isang halimbawa ay ang pagkuha namin ng kontrata sa paggawa ng mga testing booths ng DOST na tinatawag na Specimen Collection Booth o SCB. ‘Di ba sa panahon ng COVID-19 lang naman namin ito magagawa? Dahil ang teknolohiyang nakapaloob dito ay galing sa kompanya namin FAME Inc.), kami ang nakakuha ng oportunidad na kumita rito. May isa pa nga akong kilala na body bags ang kinukuha sa kanya sa panahong ito. Mukhang nakalulungkot kung titingnan mo, ‘di ba? Pero sa perspektibong en-trepreneur, pagkakaitaan ito!
Gayundin ang naging oportuniad ng isang kaibigan na nakapagbenta sa amin ng libo-libong piraso ng Vitamin C. At ginamit na-man namin itong pambigay sa mga kapus-palad.
Kaya naman ka-negosyo, pagsaliksikan mong mabuti ang mgamaaaring oportunidad na makukuha mong
pagkakitaan ngayong panahon ng pandemya. Marami ‘yan!
#3 Gumalaw nang Naayon sa Pakiramdam
Naniniwala man ako sa kombinasyon ng siyensiya, pakiramdam at sining, para sa akin sa mga panahong ito na ‘di kasiguradu-han at pag-aagam-agam, mas ok gamitin muna ang pakiramdam o instinct sa pag-iisip ng manenegosyo ngayon. Kasi nga, bago ito sa ating lahat. At dahil walang nakakaalam talaga ng gagawin, mas mabuti pang pakiramdam na lang ang gamitin upang magne-gosyo.
Halimbawa, naisip kong kausapin ang isang kaibigan ko sa Bulacan sa pagbabakasakaling may kilala siya na nagsusuplay ng alcohol para maibenta namin sa aming kooperatiba. Sa pag-uusisa ko, nabanggit niya na gumagawa sila ng mga reusable na mask.
At dahil nagsisimula pa lang noon ang ECQ, naisip ko na magkakaroon ng shortage o pagkukulang ng mga disposable mask kaya magandang oportunidad ang reusable mask na nilalabhan lang pagkagamit. Ayun, umangat kaagad ang bentahan namin nito. Tamang kutob sa tamang tao. Isang pakiramdam ang naging susi sa naging negosyo namin sa kooperatiba.
Ikaw, ano ang kutob mo sa isang maaaring maging negosyo?
#4 Mag-eksperimento o Sumubok Bago Sumabak
Kahit sinabi kong “Trust your Instincts,” ‘di ibig sabihin ay puro pakiramdam na lang ang gagamitin mo.
Malaking bagay kasi ang pagsubok muna bago sumabak.
Sa kasalukuyan, gumagawa kami ng ikalawang prototype ng aming proyektong may kinalaman sa ventilator. Ito ang tinatawag naming Ruwah – ang ang ibig sabihin sa mga Ebreoay “hininga ng Diyos.” Ngunit sa totoo lang, isa itong mechanical ambu bag.
Nagsaliksik muna kami ng iba’t ibang disenyo bago namin nagawa ang una naming produkto. Sa isang website ng MIT (Massa-chusetts Institute of Technology) namin nakita ang isang disenyo ng ventilator na akma sa Filipinas. Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na kami sa mga ospital at sa eksperto sa paggawa nito mula sa DOST at DOH. Ang pagpapalaganap ng aming mga kaisipan sa pa-mamagitan ng pagsasaliksik ang nagtulak sa aming gumawa ng Ruwah. Malapit na naming matapos ito. Ang susunod, sasabak na kami sa pagnenegosyo nito.
Konklusyon
Maraming bagong pagkakataon ngayon na ‘di mo dapat sayangin. Ang mahalaga ay mauna ka sa isang negosyo na sa tingin mo ay aakma sa ‘new normal’. Sobrang dami ng mga bagong negosyo ang magsusulputan tiyak pagkatapos ng ECQ. Dahil sabi ng mga eksperto, hanggang wala pang natutuklasang bakuna sa COVID-19, tuloy pa rin ang tulad ng social distancing, pagsusuot ng mask, paggamit ng alcohol at marami pang iba. Magbabago na sigurado ang pangangailangan ng mga tao.
Ang tanong, handa ka na bang maging entrepreneur sa panahong ito?
Tandaan, sa lahat ng bagay, dasal, tiyaga at tiwala sa sariling kakayahan ang kailangan upang magtagumpay, ka-negosyo!
oOo
Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Magmensahe lamang sa email na [email protected] kung may mga katanungan.
Comments are closed.