Bawat isa sa atin ay nagkaroon ng personal odyssey tungo sa financial independence. Bawat isa ay may sariling kwento. Liban na lamang kung isinilang kang may gintong kutsara sa bibig, magdaraan ka muna sa maliit na sweldo, probationary period sa trabaho, at kung minsan nga, job order lang at endo (end of contract every five months).
Luckily, hindi ako nakapagtrabaho ng endo. Fourteen years old pa lang kasi ako ay nagpa-part time writer na ako, at kahit maliit lamang ang sweldo, pandagdag na rin sa baon sa iskwelahan. Sikat ka pa sa school dahil ikaw lang ang may byline sa daily newspaper.
Hindi pa ako nakakatapos sa kolehiyo ay nagtuturo na ako ng Chinese Mandarin sa isang private school sa Fairview bilang special teacher, at ang sweldo ko ay mas mataas ng konti sa minimum wage. Kaya alam kong pwede talaga akong teacher.
Pero nung kailangan ko na ang medyo malaking sweldo, pumasok ako sa BPO, pero sinwerte pa rin akong matanggap agad dahil bihira pala ang fluent sa Spanish, French at English na siya ko namang forte. Right now, nasa Human Resource ako ng SAP Philippines at isa rin akong Languager Specialist, bukod pa sa nagtuturo ako ng Spanish at French sa Mirriam College bilang part time lecturer. Yan po ang aking personal odessey para maabot ang financial independence — or I would say, financial freedom.
Kapag sinabing financial freedom, hindi ka natatakot gumastos para bilhin ang gusto mo dahil meron kang ipambibili. Hindi mo kailangang mangutang. Ikaw pa nga ang nauutangan — na kung minsan ay wala nang bayaran.
Hindi lamang bank balance ang pinag-uusapan sa financial independence. Ito yung power to make choices, makapag-travel kung gusto mong mag-travel, at makapag-share sa pamilya na hindi ka mahihirapan. Kung nagagawa mo yan, financially independent ka na.
Hindi mo rin kailangang bumili ng kotse kung ayaw mo. May mga tao kasing ayaw bumili ng sasakyan dahil ayaw nila ng dagdag alalahanin. Problema pa kasi kung saan ito igagarahe, at kapag nasira, dagdag problema pa. Mas kumportable kung sasakay na lang sa taxi, may libre ka pang driver.
Ang financial quest mo ay hindi lamang pagse-secure ng iyong future kundi pagyakap sa bawat araw na may excitement, dahil bawat araw ay may dalang magic.
Sa ating mga Filipino, napakahirap maging financially independent dahil nagsisimula ka pa lamang para ayusin ang iyong sarili, may mga nakaatang nang responsibilidad na kung tutuusin ay hindi mo naman talaga responsibilidad. Siguro, maswerte lamang ako dahil wala ako ng ganyang burdens. Nakadiskarte ako ng maayos, at finally ay naabot ko ang aking financial independence — sa sarili kong pagsisikap.
Sa inyo pong lahat, may your financial adventures be thrilling, at sana rin, maging successful ang inyong diskartde. Sakaling medyo madiskaril kayo sa unang try, bangon lang at mag-try uli. Pasasan ba at maaabot mo rin ang iyong layunin.
Ikaw ang bida sa sarili mong kwento, at naghihintay sayo ang bukas at ang tagumpay.
— JAYZL VILLAFANIA NEBRE