Paano maging “in” sa henerasyong ito?

SA  nagdaang mga daang taon, mandatory na mamaster ang 3Rs sa pag-aaral. Reading, (w)riting, (a)rithmetic.

Mahalaga raw ito upang magkaroon ng effective learning and communication. Iba na ngayon. Master na kasi natin ang 3Rs kaya sa 21st century, alamin naman natin ang 4As na mahalaga naman sa developing skills upang maka-survive. Applicable ito sa mga mag-aaral at kahit pa sa mga matatanda na, upang makagawa ng paraan upang mabalanse ang mga demands ng buhay habang nakikipaghabulan sa pang-araw-araw na hamon.

E ano naman ang 4As?
1. Attitude. Ito yung kung paano natin ipakilala ang sarili natin sa mundo. Kailangan natinang kaalaman upang makapag-share tayo ng ating opinion, gaano man ito ka-conflicting sa iba. Sabi nga nila, everybody deserves to be heard. Kung hindi ka magsasalita, paano ka maririnig? Pero siguruhin mong magsasalita ka ng may paggalang at pagtanggap sa opinion ng iba. Nakadaragdag ito sa balanseng kapaligiran, at mas madaling interaksyon sa ating kapwa. Iwasang maging taklesa. Kadalasan, hindi yung sinabi natin ang nakasakit kundi kung paano natin ito sinabi.

2. Attention. Ito yung kung saan tayo nakatutok. Ano ba ang ating priorities? Minsan kasi, ang hirap makipagkumpitensya sa magulong mundong ito. Marami tayong priorities tulad ng pamilya, karelasyon, pera, physical well-being, professional development, trabaho o iskwelahan, at komunidad. Kung matututo tayong mag-focus ng ating atensyon sa isang specific priority sa iba-ibang areas ng ating buhay, mas magtyatagumpay ka.

3. Action. Ito yung proseso ong paggawa o pagkilos upang maabot mo ang iyong pangarap. Sa halip na mangangarap ka lamang, mas magandang kumilos ka kahit konti lang. one step at a time. Sabi nga nila, slowly but surely. Kung alam natin ang ating priorities, madali nang gumawa ng action plan at i-visualize kung ano ang magiging outcome.

4. Accomplishment. Ito yung resulta ng attitude, attention, at action na positibong pinagsama. Pawede itong maging hakbang upang magkaroon ng mas malaking objective. Makikita sa accomplishments ang resulta ng panahon at enerhiyang ginugol mo upang marating ang iyong pangarap. Huwag kang titigil hanggang hindi ito nararating dahil frustrating ang incomplete goals. Baka magkaroon ka pa ng anxiety.

Sa atin lahat, napakahalaga ng oras at dapat, alam mo kung paano ito balansehin upang makaagapay ka sa hamon ng buhay sa panahong ito. Kung alam mo ang tamang attitude, nangangalahati ka na upang maabot mo ang tagumpay. RLVN