PAANO MAGING MAHUSAY NA DRIVER?

patnubay ng driver

GOOD day mga kapasada!

Ano-ano ba ang dapat na tandaan sa panahon ng pagmamaneho?

Iyan ang naging katanungan sa akin ng isang driving instructor sa isang driving school sa Parañaque City nang  ako ay magsadya sa naturang paaralan ng mga student driver kamakailan para magsaliksik para sa pitak ng Patnubay ng Drayber.

Hindi kaagad ako nakasagot. Mabilis din naman ang naturang instructor na sagutin ang kanyang tanong.

“The best answer: First, remember that driving is a privilege at not a right.

Ang mabuting driver ay “both common and uncommon”.  Posible na may ma-encounter kang rash teen agers to truck drivers to overly-cautious senior citizens, yet all contribute to how we can learn to be better drivers”

Ang isang mahusay na driver ay kailangang may mga anticipation, tact and foresight at may kabatiran sa daloy ng trapiko sa lansa­ngan upang magkaroon ng wastong pag-iingat at para pamarisan ng ibang drayber na walang galang sa batas ng trapiko.

Upang maging mabuting driver, narito ang ilan sa mga payo ng driving instructor na karaniwang itinuturo sa kanilang driving school tulad ng:

Kung may mapansing humaharurot na sasakyan ng sobra sa speed limit, huwag ma­kipag-unahan. Bigyan siya ng pagkakataong lumampas. Kung makikipagkarera, maaaring humantong ito sa kapahamakan.

Huwag (NEVER) na lumipat ng linya kapag nasa gitna ka ng intersection. Also, time your entry sa intersection upang hindi ka abutin ng red light (“don’t block the box”).

3.NEVER try to beat the red light.  Tiyakin na mayroon kang sapat na puwang (space) to stop safely kung biglang lumitaw ang yellow light.

Gaya ng kanilang inaasahan, ang cyclists, pedestrians at maging ang kapuwa driver ay inaasahang hihinto ka bago lumitaw ang red traffic light. You endanger yourself maging ang ibang driver kung hindi ka hihinto sa yellow lights sa layuning makatipid ka ng oras sa pagmamadali.

It is courteous to allow a vehicle to turn into traffic if the driver is waiting for a break. Huwag na huwag mong karaka-rakang tatapakan ng bigla ang iyong preno upang paunahin ang sumusunod na driver nang maiwasan ang mabundol ng kasunod na sasakyan.

Pagpapanatili ng sapat na distance sa pagitan mo at nang sinusundang sasakyan. Panatilihin ang two (2) second distance sa pagitan mo at ng iyong sinusundan,.

DRIVERLayunin nito na maiwasang mabunggo ang sinusundan kung biglang magpreno ito sa anumang kadahilanan.

Gamitin din ang ga­nitong kaparaanan kung madulas ang lansangan likha ng pagkabasa dahil sa ulan.

Maging maingat sa pagmamaneho sa baha­yang pook. Sa ganitong mga pook ay karaniwan ang spontaneous children to run into street ng walang lingon-likod nang hindi alintana kung may dumarating na sasakyan.

Trucks often give their drivers difficult stopping, turning, or backing up. Kung lumulusot sa truck, laging isadiwa na hindi madali ang pagpepreno ng truck kaya makabubuti na malinaw na nakikita mo sa iyong rear view mirror bago lumusot.

Kung mapansin na ang iyong sinusundan at kasunod ay senior citizen ang nagmamaneho, ma­ging maingat ka sa pagmamaneho. Karaniwan sa mga senior citizen ay mabagal ang flexes ng kanilang mga paa sa pagtapak ng preno o kaya ay sa pagbibigay ng signal kung liliko o hihinto.

Kung nagmamaneho at bumubuntot sa nagmamanehong senior citizen, always keep a safe distance ang watch for unexpected moves, tulad ng pagpapalit ng linya. Kung minsan, bigla na lamang magpapalit ng linya ang senior citizen na nakalilimot na magbigay ng signal bago magpalit ng linya.

Ang karamihan sa mga driver, tulad natin ay naghahangad na makarating agad sa kanilang destinasyon.

Sa ganitong mga pagkakataon, malimit na magkaroon ng traffic accident, but you can take a few steps to prevent many ways various drivers react, you will have a better grasp of how to be a better driver.

Ang isang mahusay na driver ay may kaalamang mag-anticipate ng possible changes in traffic and prepare for them in advance by advance adjusting their speed, their lane/direction, or where their attention is directed,” pagtatapos ng panayam ng instructor ng driving school na naging resource person ng pitak na ito.

Salamat po sa inyong ibinahaging insights.

MGA MABUBUTING ASAL SA PAGMAMANEHO

DRIVERAng kabutihan at kahusayan ng isang driver ay hindi nasusukat sa kanyang paghawak ng manibela, kahusayan sa pagpapatakbo ng matulin at pagdating sa destinasyon sa takdang oras.

Katangian ng isang drayber ayon sa Land Transportation Office (LTO) na primordial na pamantayan ng isang drayber ang:

KORTESIYA AT KONSIDERASYON NG DRAYBER SA PASAHERO – Karamihan sa kapuri-puring relas­yon ng drayber at pasahero ay nakabatay sa isang prinsipyo “huwag nating gawin sa iba ang ayaw gawin sa atin ng iba”.

Ang mga sumusunod na tips ay nakababawas ng alalahanin, takot at yamot ng pasahero ruled ng:

Ingatan ang pagmamaneho upang makuha ang tiwala ng mga pasahero.

Ang pakikipagkarera sa kapuwa drayber, pag­lusot nang wala sa lugar, paghabol sa pulang ilaw, biglaang preno o paggarahe sa gitna ng kalye at iba pang paglabag sa mga alituntunin ng trapiko ay nakapang-iinsulto sa mga pasahero.

Iwasan ang mga lubak upang hindi matagtag ang mga pasahero. Ang pabigla-biglang pagbitiw ng clutch at tapak sa accelerator ay tatak ng isang mahinang drayber.

Tiyaking nakababa o nakasakay na ang pasahero bago paandarin ang sasakyan.

Kung may bababa ng sasakyan na nauna sa paradahan, mag-iwan ng sapat na distansya upang hindi maipit ang bababa.

Ang pandaraya ng metro ay panlalamang sa kapwa at ito ay madalas pagmulan ng sagutan at away ng pasahero at drayber.

Ang trip cutting at pag-ikot-ikot sa pasahero dahil sa hindi niya tiyak ang direksyon ay isang uri rin ng pandaraya.

Huwag mamili ng pasahero.

Hustong pasahe at sukli ang sisingilin sa pasahero.

Iwasang maniga­rilyo sa sasakyan. Mapanganib sa kalusugan ang nalalanghap na usok.

Maging mahinahon at maginoo. Iwasan ang paninigaw sa tao. Huwag pumatol sa mga wala sa katuwiran.

Iwasang dumaan sa mga ilang na pook. Pangalagaan natin ang ating mga pasahero.

KORTESIYA AT KONSIDERASYON SA KAPUWA DRAYBER – Ang mga sumusunod ay ilan sa mga kortesiya at konsiderasyon sa kapuwa drayber tulad ng:

Pagbibigay ng tamang senyas ng kamay. Mahalagang malaman ng kasunod na sasakyan kung may balak huminto, lumiko o mag-menor. Kadalasan, nagbibigay tayo ng senyas sa huli lalo na kung hindi ka sanay maglaan ng distansiya sa mga kasunod na sasakyan.

Kortesiya sa paradahan. Maghintay tayo ng pagkakataon sa paradahan at habang sumi­singit, huwag nating ariing ito ay atin. Hindi tamang sakupin ang mas malaking puwang sa paradahan. Kung maaari, mas maliit ang gamiting puwang.

Pagkuha ng pasahero. Huwag gitgitin ang ibang sasakyan upang makipag-unahan sa pagkuha ng pasahero.

Pagtulong sa drayber na nasiraan ng sasakyan. Ang pagtulong sa kapuwa drayber ay may kapalit. Sa ibang araw ay posibleng masi­raan ka rin ng sasakyan.

Paggamit ng busina. Gumamit lamang ng busina kung ito ay nagbibigay ng senyas o emergency.

HAPPY MOTORING!

KAUNTING KAALAMAN – Dob­leng kortesiya at konsi­derasyon ang kailangang ibigay sa mga taong naglalakad o tumatawid sa daan.  Pagbigyan ang mabagal lumakad, mahina at may kapansanan. Kung makilala natin na nakasindi ang ilaw pula sa mga tumatawid, huminto kaysa makipag-unahan.

Kapag inabutan ang taong tumatawid sa berdeng ilaw sa kalagitnaan ng daan ay kaila­ngang pagbigyan natin lalo ang mga senior citizen at mga may kapansanan.

LAGING TATANDAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti. (photos mula sa google)