BAGO nagpakasal si Maria Yllena Munji-Laurel na mas kilala sa pangalang Ayen Munji, kay Franco Laurel noong 2001, unang ikinasal ang singer-actress sa prinsipe ng Brunei na si Jefri Bolkiah noong 1995. Siya ang bunsong anak ni Sultan Hassanal Bolkiah kaya nagkaroon ng royal title na prinsesa si Ayen.
Nagpalit din siya ng relihiyon mula sa pagiging Katoliko sa pagiging Islam, at ang pitong taong pagsasamang ito ay biniyayaan ng isang anak na lalaki – si Prince Hasan.
Parang Cinderella story lang ang nangyari. Nagpakasal sina Ayen at Jefri noong 1995, noong ang kasalukuyang sultan ay si Sultan Hassanal Bolkiah, nakatatandang kapatid ni Jefri, pero noong 2002, nagdiborsyo rin sila. Syempre, naiwan si Prince Hasan Bolkiah kay Jefri dahil hindi pwedeng ilayo ang prinsipe sa kanyang kaharian.
Parang panaginip lang umano ang pitong taon nilang pagsasama. Hindi ito planado. Nagkita sila, naggkatagpo, nagkagustuhan, at nagpakasal. Parang fairytale. Hindi inaasahan. Isa pa, napakabata pa nina ayen at Jefri nang mga panahong iyon.
Kaya lang, marami talagang problema kapag magkaiba ng paniniwala at kultura ang dalawang nagmamahalan. Nagpakasal si Ayen sa isang Muslim at kaya sapilitan niyang niyakap ang paniniwalang ito labag man sa kanyang kalooban.
Iba rin ang kultura ng Brunei kahit pa bahagi rin ito ng ng Asia kaya nag-clash ang kanilang mga personalidad. Alam ni Jefri na iba ang paniniwala ni Munji, pero hindi sila pwedeng pakasal kung hindi siya magpapa-convert sa Muslim, kaya sumunod na lamang sila sa protocol.
Bilang prinsesa ng Brunei, hindi sila nakatira sa palasyo dahil ang sultan lamang at ang kanyang pamilya ang nakatira dito. In other words, iba ang bahay nila. Ngunit buhay prinsesa rin naman siya. Sagana sa lahat ng bagay. Gayunman, hindi raw ito sapat para sumaya siya. Siguro raw, napapasaya siya sandali ng mga alahas at magagandang damit, pero hindi yun ang definition ng happiness dahil temporary ang sayang naibibigay ng mga material na bagay. Naghahanap siya ng permanence. Gusto niyang makasigurong panghabambuhay ang kanilang pagsasama, kahit pa mawala na lang ang lahat ng karangyaan. At nang hindi na siya makatiis, nakipagdiborsyo na nga siya sa prinsipe at bumalik na mag-isa sa Pilipinas.
Luckily, naqkatagpo siya ng ikalawang pag-big kay Franco, at biniyayaan pa sila ng apat na anak. Oo nga at wala na ang titulong prinsesa, pero naging reyna naman siya sa puso ng kanyang asawa at mga anak.
Of course, hindi niya nalilimutan ang anak niyang prinsipe, at madalas din naman silang magkita, ngunit mas pipiliin niyang maging ordinaryong tao ngunit masaya, kesa naman prinsesa ka nga ngunit walang kalayaang gawin ang makapagpasaya sa’yo. NLVN