KUMUSTA, ka-negosyo?
Hindi naman kaila sa atin na sa panahon ng krisis na ngayon ay kinabibilangan ng ating bansa ukol sa pande-mya ng COVID- 19 ay maraming panggagalingan ng stress.
Kasama na riyan ang pag-iisip kung paano tayo babangon muli, kung may kinabukasan bang naghihitay sa atin, at ang mga simpleng katanungan gaya ng kung may makakain pa ba tayo bukas?
Tao lang tayo. Nakararamdam tayo ng takot at iba’t ibang klase ng pangamba. Ngunit dahil may mga taong umaasa sa atin, kailangan nating maging matibay. Kailangan nating tumayo kung bagsak tayo ngayon.
Ano ang dapat nating gawin ngayong mga panahong ito upang makaiwas o maibsan ang stress at makapag-pokus sa nararapat gawin?
O siya, tara na at matuto!
#1 Unang-una, dapat kang mabuhay
Sabi ni Jack Ma na founder ng Alibaba, ang taong 2020 ay panahon upang mabuhay. Sabi niya, mas kailangang nakapokus ka na buhayin ang sarili at pamilya bago mo ituon ang sarili sa pagpaplano para sa hi-naharap.
Sa totoo lang, mag-iiba na ang takbo ng mundo mula ngayon. Parang sa mga panahon ng giyera kung saan maraming buhay ang nabuwis at sa pagbangon ng mga tao, ibang mundo na ang kanilang nadatnan.
Ganoon din ang kinakaharap natin ngayon. Ngunit ang panahon ngayon ay panahon pa ng giyera laban sa coronavirus. ‘Di pa tayo nangangalahati. Kailangan muna nating isipin kung paano tayo makaliligtas sa virus na ito. Stay Home. Stay Alive. ‘Yan ang motto mo dapat. Mas madaling gumawa ng paraan upang kumita kaysa mabuhay sa panahong ito. ‘Di mo kasi nakikita ang kalaban. Wala pang bakuna para rito. Kaya unahin mo ang mabuhay, ok?
#2 Pokus sa kung ano ang magagawa mo ngayon
Ang pananaw mo ngayong mga panahong ito ay – “One Day at a Time.”
Bilang negosyante, alagaan mo
muna ang iyong mga tauhan na mayroon ding mga pamilya. Kung ikaw ay na-stress,gayun din sila. Ang pag-tuon ng pansin sa kalagayan ng iba ay nakakaalis ng stress. Ito ang simpleng pagtulong sa pamamagitan ng relief goods man lang o karampatang cash na kailangang kailangan ngayon.
‘Di mo rin kasi alam kung ano ang mangyayari bukas. Ang mayroon ka lang ay ang kasalukuyan. Kaya na-man dapat gawin ang kayang gawin sa kasalukuyan lamang. ‘Wag mong problemahin ang bukas.
Kung nagawa ang lahat ng maaaring gawin ngayon, tiyak naman na mas bubuti ang kinabukasan mo at ng iyong negosyo.
#3 Hanapin at gawin ang mga nagpapasaya sa ‘yo
Ayon sa isang pagsasaliksik, ang kalungkutan ay isa sa pangunahing dahilan ng maagang pagkamatay. Kung ikaw nai-stress at nahaluan pa ng kalungkutan, alam mo na ang kalalagyan mo.
Ano ang dapat gawin upang maiwasan o maibsan ang labis na kalungkutan sa panahon ng krisis? Ayon sa WHO (World Health Organization), dapat magkaroon ng sapat na pisikal na aktibidad sa araw-araw, tamang pagkain, pagkakaroon o pagbabago ng mga nakagawiang bagay (routines) at ang pagkakaroon ng maayos na pakikipag-salamuha sa mga tao. Ang koneksiyong social at ispirituwal ay mahalaga.
Kahit sa panahon ng social distancing ay puwede namang magpatuloy ang koneksiyon sa pamamagitan ng mga teknolohiya. Ang mahalaga ay nakatuon ang pansin sa mga taong nagpapasaya sa ‘yo.
Kung kasama sa nagpapasaya sa ‘yo ay ang iyong mga kasama sa negosyo, ituring mo silang kapamilya na rin.
Higit sa lahat, ‘wag kalimutang tumawa. Maghanap ng mapapanood na komedya. Sab inga sa mga pag-aaral, ang pagtawa palagi ay nakagagaling ultimo ng kanser. Kaya ayun, tawa lang!
#4 Ituon ang pansin sa mga bagay na kaya mong kontrolin
Pansinin mo. ‘Di ba nakaka-stress ang isang bagay na alam mong wala ka namang magagawa? ‘Yan kasi ang nakasanayan natin lalo na’t negosyante ka. Gusto kaagad hanapin ang solusyon lalo na sa mga bagay na alam mo namang wala sa kamay mo ang pag-ayos nito.
Kaya naman upang maibsan ang iyong stress, doon ka lang tumuon sa mga bagay na kaya mong kontrolin. May kaugnayan din ito sa mga bagay na kaya mong gawin sa araw na ito.
Kasi nga, marami kang dapat problemahin at isipin. ‘Di mo naman kayang gumalaw nang basta-basta dahil na rin sa sitwasyon. Pillin mo ang kung ano ang kaya mong gampanan. Marami yan. Pag-isipan mo lang nang mabuti.
#5 Maging positibo lagi
Maaaring paulit-ulit mo na itong naririnig. Ngunit ang tanong, ano ba ang mga konkretong gawain patungo rito?
Unang-una, maging aktibo sa paghahanap ng positibo sa mga negatibong bagay. Wag ituon sa negatibong aspeto kundi hanapin ang oportunidad sa harap ng krisis.
Magkaroon ng pagkakataong magmuni-muni at hanapin ang inspirasyon mo. Marami kasing bagay ang ‘di natin madidiskubre kung magulo ang isipan mo. Maghanap ng inspirasyon sa mga bagay na nagpapasaya sa ‘yo. Minsan, sa sitwasyon ng iba mo rin mahahanap ang inspirasyon.
Mahirap man gawin, pero sana kayanin mong dumistansiya sa mga negatibong tao. Nakakahawa kasi ang ka-nilang enerhiya. Minsan, sila ang dahilan ng stress mo, ‘di ba?
Ang mahalaga sa mga panahong ito ay magampanan mo ang pagiging mabuting lider sa pamamagitan ng pagiging positibo para ang mga nakapaligid sa ‘yo ay maging positibo rin.
Konklusyon
Nakaka-stress man ang panahong ito ng pandemya, maraming inspirasyon at oportunidad din ang hatid nito. ‘Di mo nga lang ito mapapansin kung lagi kang nai-stress. Pahinga mo rin ang isip mo. One day at a time, ka-negosyo, at matatapos din ito.
Tandaan, sa lahat ng bagay, dasal, tiyaga at tiwala sa sariling kakayahan ang kailangan upang magtagumpay, ka-negosyo!
oOo
Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Magmensahe lamang sa email na [email protected] kung may mga katanungan.
Comments are closed.