PAANO MAIIWASAN ANG AKSIDENTE SA PAGMAMANEHO

patnubay ng driver

GOOD day, mga kapa­sada!

Mahalagang paksa ang tatalakayin natin sa isyung ito ng Patnubay ng Drayber.  Hiling ko sa mga kapasada, para sa kapa­kanang pangkalikasan, una­waing mabuti at itanim sa isipan ang diwa ng bawat paksang ating tatalakayin.

Una sa lahat, pasalamatan natin ang ating palagiang  kasangguni na si G. Jess Veloria, isang kilala at professional mechanic na hindi nagsasawang ibahagi sa atin ang mahahalagang insights na makatutulong sa ating kaligtasan sa pang-araw-araw na paggulong sa lansangan para sa kapa­kanang pangkaunlaran ng pamilya.

Narito ang pambungad na anekdota ni katotong Jess bago ibinahagi ang kanyang mga tip para sa kapakanang pangkaligtasan sa pagmamaneho  ng ating mga kapasada.

“Mga kapasada, karaniwang tanawin sa mga pangunahing thoroughfares sa ating pang-araw-araw na ruta sa paggulong sa lansangan ang isang humaharurot na sasakyan na biglang nagpreno at bumangga, nagliparan ang mga basag na salamin, nagsigawan ang mga tao – ganyan ang karaniwang senaryo – aksiyong ala-tragedy drama kapag may traffic accident na nagaganap.”

Iyan ang paglalarawan sa unang salbo nang ka­panayamin namin si Jess sa isang resto cafe sa Parañaque City kamakailan.

Ayon kay Jess, malinaw ang ulat ng Population Reference Bureau na sa buong universe (daigdig), humigit kumulang sa 1.2 milyong katao ang nasasawi sa mga aksidente sa lansangan taon-taon.

Gayundin, bahagi ng naturang estadistika ng PRB na umaabot sa bilang na 50 milyon more or less ang malubhang nasusu­gatan, na bagaman walang iniulat na kasarian ay grabe kung ito ang lumalabas sa estadistika.

Ano ba ang maaaring maiambag ng ating mga  kapasada para malunasan o masagkaan kahit na kakatiting na bahagdan ang suliraning ito ng ating mga nasa industriya ng transportasyon?

Ang pagiging masinop sa pagtupad sa gawain mula umaga hanggang hapon ay kailangan, aniya, na may katambal na maayos na kaisipan sa kaligtasan at mahusay napagpapasiya upang maiwasan ang maraming bantang  panganib sa pagmamaneho araw-araw.

PAGGALANG SA BATAS TRAPIKO GAWIN

Ayon kay Jess, tingnan natin kung papaano natin masasawata ang ating sarili sa ‘’di mabuting gawi  satrapiko pagmamaneho na karaniwang nagsasadlak sa aksidente sa lansangan.

Aniya, dapat na sundin ang batas sa speed limit (tulin ng pagpapatakbo), paggamit ng seat belt at ang paggamit ng cellphone  na karaniwang scenario sa mabuhol na trapik sa mga pangunahing lansangan.

Sinabi ni Jess na maraming mga lansangan na parang napakababa o mabagal ang speed limit.  Pero lumalampas ka man sa speed limit, kadalasan nang kaunting panahon lang ang matitipid mo.

Ibinigay na halimbawa ni Jess ang distansiyang 80 kilometro, ang speed limit ay 100 kilometro bawat oras, at magpapatakbo ka ng 120 kilometro bawat oras, totoo, makatitipid ka ng humigit kumulang sa walong minuto

Ang tanong: Sulit  bang isapanganib ang buhay mo para lang makatipid  ng ilang minuto?

ANG  SEAT BELT PARA SA KALIGTASAN

seatbeltIlang  taon na ang nakalilipas, nangako ako na magbakasyon sa California, isinama ako ng  aking manugang sa kompanyang  kanyang pinaglilingkuran.

Ang naturang kompanya ay nakatalaga sa non-life insurance na ang karamihan sa kanilang mga parokyano ay mga Filipino na nakatalaga sa Grab service.

Ayon kay Mitos, ang aking manugang sa Amerika, ang paggamit ng seat belt sa naturang bansa ay isang primordial concern ng mga drayber, maging pampribado at gamit na panghabambuhay.

Aniya, ayon sa isang ahensiya ng pamahalaan sa Amerika, ang paggamit ng seat belt ay nakapagligtas ng mahigit sa 72,000 buhay sa naturang bansa mula noong  2005  hanggang 2009.

Ito ang mahalagang sandata ng isang enterprising driver sa US sa kanilang pang-araw-araw na paggulong sa masikip at may buhol trapikong lansangan.

Samantala, inihayag ni Mitos ang karagdagang ulat tungkol sa paggamit ng seat belt na may kaugnayan naman sa malimit maging inquiry ng kanilang mga parokyano.

Kung may air bag, puwede bang huwag nang gumamit  ng seat belt na kung minsan ay nakasasagabal din sa pagmamaneho?  Mariing sagot ni Mitos, HINDI!

Ang air bag ay ginagamit kasama ng seat belt para sa karagdagang proteksiyon ng sarili sa panahon ng sakuna.

Kung walang seat belt ay wala ring halaga sa pa­ngkaligtasang  kahulugan ng air bag at ang isa sa mahigpit na ipinagbabawal sa batas ng trapiko sa US ay ang paggamit ng cellphone.

Kung mahalaga ang mensahe na dapat sagutin, humanap ng isang ligtas na pook tulad ng gasoline station o isang paradahang ligtas sa aksidente at doon gamitin ang ilang sandaling pagsagot sa cell phone kung urgent at ‘di maiiwasan ang paggamit nito, diin ni Mitos.

MAINTENANCE NG SASAKYAN SA KONDISYON NG KALSADA

Sa patuloy na pakiki­panayam kay kasanggu­ning Jess, inilarawan niya ang payak o simpleng  sasakyan.maintenance

Ayon kay Jess, higit na mahina ang kapit ng gulong sa kalsada kapag ang lansangan ay maalikabok tulad ng alikabok na ibinuga ng pagsabog ng Bulkang Taal kamakailan.

Gayundin, kailangan ang ibayong ingat sa pagmamaneho  kung ang dinaraanan ay mabuhangin o may graba upang maiwasan ang pagsalida ng sasakyan sa panahong ito ay gamitan ng preno.

Delikado ang mga intersection o pinagkurusan para sa lahat ng drayber.  Kaya ipinapayo niya sa mga drayber na para maligtas sa peligro ang kanilang pagmamaneho, ugaliin na: kapag nagberde ang kulay ng traffic light, huwag kaagad na magsagawa ng abrupt (agarang) na pag-abante.  Maghintay ng ilang sandali upang makaiwas na makabangga ng sasakyang hindi huminto sa red light.

MAHALAGA NA NASA KONDISYON ANG SASAKYAN

Binigyang-diin ni Jess na lubhang mahalaga ang pagiging nasa kondisyon ng sasakyan.

Isipin na lamang, ani­ya, kung hindi kumagat ang preno, kung ano ang masamang epektong idudulot nito sa iyong pagmamaneho.Malamang, aniya, ang end result ng ganitong kapabayaan  ay humantong sa malagim na pangyayari,  huli na kung pagsisisihan.

Para matakasan ang ganitong problema, dalhin  on a regular basis ang sasakyan sa kuwalipikadong mekaniko para sa wastong maintenance. Ito ay dapat gawin kung ikaw na mismong may-ari ay hindi ka­yang gawin ng sarili.

4 thoughts on “PAANO MAIIWASAN ANG AKSIDENTE SA PAGMAMANEHO”

  1. 535735 895408This post is dedicated to all those that know what is billiard table; to all those that do not know what is pool table; to all those who want to know what is billiards; 983402

  2. 68406 858302I was reading some of your content on this internet site and I conceive this internet website is really informative ! Keep on putting up. 14847

  3. 316184 336829Thank you for your very very good data and respond to you. I require to verify with you here. Which isnt one thing I often do! I get pleasure from reading a publish that can make people believe. Furthermore, thanks for permitting me to remark! 365547

Comments are closed.