HELLO everyone! Ito po ang AskUrBanker. Tuwing Sabado, ako po ang inyong makakasama, ang inyong Kuya Mark, at ako po ang tutulong sa inyo na humanap ng kasagutan sa inyong mga question marks about banking.
Ngayong Sabado, ating pag-uusapan ang tungkol sa SALARY LOAN. Ito ay ang klase ng loan para sa mga empleyado kung saan ang pagbabayad ay ginagawa sa pamamagitan ng salary deduction.
Ang ganitong klase ng loan ay maganda para sa mga empleyado na nagnanais humanap ng funds para sa mga gastusin tulad ng tuition, pang-minor repairs ng tahanan, pang-travel, pandagdag sa pambili ng sasakyan at iba pa. Subalit, payo ng ating mga kaibigang AUBankers mula sa Asia United Bank o AUB Salary Loans Group, manghiram lamang ng naaayon sa pangangailangan. Ito ay upang masiguro na hindi tayo mahihirapan sa pagba-budget ng matitira sa ating suweldo after na mai-deduct ang loan payments.
Kaya naman, ang AUB ay mayroong product na siguradong makatutulong sa atin. Ito ang AUB CASHELP. Ito ay isang multipurpose loan para sa mga qualified employee ng mga accredited companies ng AUB. Ang CASHELP ay maaaring makatulong sa atin na magkaroon ng madaling access sa credit, at sa pamamagitan ng salary deduction, mas madaling mabayaran ang ating pagkakautang.
Alamin pa ang tungkol sa AUB CASHELP. Maaaring tumawag sa AUB Salary Loans Group sa numerong 6313333 locals 180 / 183 or 185 o kaya naman ay mag-email sa [email protected].
Ating tandaan, kailangang lubos nating maunawaan ang loan program katulad ng CASHELP. Kaya nga lagi nating sinasabi, kung may katanungan, laging magtanong sa mga eksperto. Always AskUrBanker!
Huwag kalimutang tumutok tuwing Linggo sa AskUrBanker on Moneywise TV na mapapanood sa GMANewsTV, 930-10AM. Mapakikinggan din ang AskUrBanker sa Radyo Veritas 846AM tuwing Lunes, 5:00-5:30 nghapon.
Alamin din ang iba’t iba pang products at services ng AUB sa www.aub.com.ph o kaya naman ay i-follow ang AUB sa Facebook (AUB.official) o sa Twitter/Instagram at YouTube (AUBofficialph).
Remember, it is always best to AskUrBanker! Hanggang sa susunod.
Comments are closed.