PAANO “MAPAPADAMI” ANG CONVALESCENT PLASMA?

DOC ZACATE-ZACATERBANG PAYO.jpg

SA aking mga nakaraang articles, tinalakay ko ang potential ng Convalescent Plasma ng mga taong naka-recover sa COVID-19 upang makatulong magpagaling ng mga taong may kasalaku­yang nagkakasakit dito. Ako po ay may natanggap na katanungan mula sa ating tagasubaybay na si Mr. Rodriguez at ito po ay ating sasagutin.

“Magandang araw po sir magtatanong lang po sana tungkol sa convalescent plasma, paano po ito mapaparami sa katawan ng tao (at) ano po ang mga kailangang gawin or kainin at papaano po? Maraming salamat po

Mr Rodriguez, unang una maraming sa iyong pagtitiwala sa aking co­lumn at sa iyo na ring pagsubaybay. Tungkol naman sa iyong katanu­ngan ako po ay sumangguni sa isa nating kaibigan sa medisina na si Dr Bernadette P. Velasco, siya po ay isang Emergency Medicine Specialist at ito po ang kanyang tugon.

“Ang convalescent plasma o “survivor’s blood” ay nade-develop sa isang tao na naka-recover na sa isang sakit, tulad ng COVID-19. Ang plasma ay ang dilaw na parte ng dugo kung saan makikita ang antibodies. Ang antibodies ay ang panlaban ng ating katawan sa infection.

Kung ikaw ay gumaling na sa sakit na COVID-19, maaaring mayroong antibodies ang iyong dugo laban sa COVID-19. Malaki ang maitutulong sa pag-recover ng isang taong lumalaban sa COVID-19 kung siya ay nasalinan ng convalescent plasma.

Upang makapagdonate ng convalescent plasma, kinakailangan na walang simtomas na nararamdaman ang donor sa loob ng labing-apat na araw. Kinakailangan din na makapasa sa normal blood donation requirement. Para mapag­handaan ito, kumain ng pagkain na mataas sa iron tulad ng baboy, baka, itlog at atay. Makakatulong din kung kakain ng prutas na mataas sa vitamin C tulad ng pinya, papaya at orange. Uminom o mag-hydrate din ng maayos bago mag-donate ng dugo.”

o0o

Bukod sa nabanggit ni Dra Velasco, ang pag-ehersisyo ng 30- minuto dalawang beses sa loob ng isang lingo, pagtulog ng hindi bababa sa walong oras araw-araw, umiwas magpuyat, tigilan ang paninigarilyo at sobrang pag-inom ng alak ay makakapagpataas ng bilang ng a­ting Antibodies upang mapaghandaan ang isang Plasma Donation. Nawa ay nakatulong ang aking sagot sa inyong katanungan Mr. Rodriguez, keep safe and healthy.

Kapag may katanu­ngan maaring mag email sa [email protected] or mag like at mag comment sa fan page na Medicus Et Legem sa facebook.- Dr Samuel A Zacate

Comments are closed.