MASAKIT na katotohanan na ang pagkapanalo ni US President Donald Trump ay maghahatid ng pag-aalala sa mga kababayan natin sa Amerika.
Ngayong nakaumang ang mass deportation sa mga illegal immigrants sa Amerika, maraming mga kababayan natin ang masasapol.
Kaya nga hinihiling ng mga mambabatas na gumawa agad ng paraan ang gobyerno kaugnay nito.
Agad na nangako ang Department of Migrant Workers (DMW) na magbibigay ng mahahalagang suporta sa mga Pilipino, lalo na ang mga undocumented overseas Filipino workers (OFWs).
Hindi biro ang nasa 370,000 undocumented Filipino immigrants na maaaring maapektuhan ng posibleng crackdown.
Batay sa record,mahigit 3,500 Pilipino ang na-deport sa pagitan ng 2017 at 2020 sa nakaraang administrasyon ni Trump.
Nawa ay may tugon agad dito ang gobyerno.