PAANO NA SI KATHRYN BERNARDO MINUS DANIEL PADILLA?

MAGKAKASUBUKAN na kung sino talaga ang magtatagumpay kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardowallface kung maghihiwalay na sila bilang magka-loveteam. Isang malaking challenge and yet excited si Kathryn sa bagay na ito. Dahil aminin man o hindi, naging mabango ang pangalan ni Kathryn nang maging ka-loveteam niya si Daniel. And the rest is history. Proven na kasi sa box office ang mga pelikula na pinag-sasamahan nila, may mga movie pa nga silang ginawa na masasabing nagmarka sa record ng history ng box office sa movie industry.

Anuman ang project na gawin ng dalawang ito ay tiyak na tanggap ng masa. After ng ilang taon ng pagiging magka-loveteam and still a movie to come out pa rin na magkasama sila ni Daniel, ang “The Hows of Us” ay magsisimula na si Kathryn sa bago niyang project minus Daniel Padilla, kasama ang nagbabalik-tambalan after 15 years na sina Richard Gomez at Sharon Cuneta, ang “Three Words To Forever”.

Ayon kay Kathryn, nagulat siya nang malaman niya na hindi pa man siya tapos sa movie nila ni Daniel ay may bago na pala siyang gagawin at mas lalo niyang ikinagulat na hindi kasama si Daniel sa naturang bagong proyekto. Ani pa  ng young actress, maninibago talaga siya kasi halos 7 years na ang lahat ng kanyang proyekto ay kasama si Daniel, heto ngayon siya bago ang mga kasama. Itinuturing mang bago niyang adventure sa showbiz career, nandoon pa rin naman daw ang suporta nila ni Daniel sa isa’t isa. May kondisyon pa nga raw na ibinigay si Daniel kay Kathryn para sa pagsuporta sa ka-loveteam sa bago nitong proyekto, dadalaw at dadalaw raw siya sa set ng shooting ng movie ni Kathryn. Pero ang ‘di alam ni Kathryn ay kung magagawa ba ito ni Daniel dahil malamang ay sa Ormoc City sila magsu-shooting. Sabi ay kapag mahal mo ang isang tao, walang malayo at malapit na lugar.

oOo

GABBY CONCEPCION BATA ULIT ANG SUSUNOD NA LEADING LADY

GABBY CONCEPCIONKASADO na ang susunod na gagawing teleserye ni Gabby Concepcion sa siete, at maging ang actor ay excited nang simulan ito dahil bagong karakter daw ito na ‘di pa niya nagagampanan. Wala pa man detalyeng ibinibigay kung ano ang title ng kanyang bagong soap at kung sino ang magiging leading lady niya ay marami na agad ang nagsasabing malamang ay bata ulit ito kaysa kay Gabby. Sa naunang dalawang teleseryeng ginawa ni Gabby sa siete ay kapwa mga ‘di hamak na mas bata ang kanyang kapareha kumpara sa edad ng actor.

Sa “Because of You”, si Carla Abellana ang leading lady niya, samantalang sa “Ika-6 Na Utos” ay dalawa pa ang naging leading ladies niya na pawang much younger than him, sina Sunshine Dizon at Ryza Cenon. Sa bago naman niyang soap, sino naman kaya ang bago niyang kapareha? Ani ni Gabby, gusto raw ng mga tao ang bago niyang leading lady at very visible ito.

oOo

DONITA ROSE: IT TAKES YEARS TO FORGIVE

DONITA ROSENOONG unang attempt ni Donita Rose na magkaayos na sila ng dating asawang si Eric Villarama ay sa pamamagitan ng sulat, kahit na sino pa raw ang may mali sa kanilang dalawa ay gumawa ng pa­raan si Donita na maging maayos ang kanilang paghihiwalay. Pero sa sagot diumano ng mister sa kanyang sulat ay tila parang pina­lalabas daw nitong bakit siya natagalan na humingi ng sorry at si Donita talaga ang may sala. May hinanakit man sa loob ay dinedma na lang ni Donita ang naging sagot ng asawa. Pagkalipas daw ng isang taon matapos ang insidenteng iyon ay humingi na ng sorry ang mister at tinanggap naman ito ni Donita. Ayon sa Kapuso actress, isang paraan diumano ng pagpapatawad ang hindi pagtatanim ng galit para makapag-move-on, lalo pa nga’t may anak sila ng dating asawa. Sa ngayon ay busy si Donita sa bago niyang cooking show sa Kapuso Network, ang “Jolly Heartmate Canola Oil”.

Comments are closed.