MAHIRAP ibalik ang dating katawan pagkatapos magbuntis at manganak, pero kailangang gawin iyon ni Janella Salvador matapos tanggapin ang role na Valentina sa nalalapit na Darna series na ipalalabas sa Kapamilya Network.
Kinunsulta pala niya si celebrity beauty doctor Vicki Belo at ibinuko nitong nagpa-liposuction pala siya para matanggal ang 40 pounds na extra fat sa katawan.
Anim na buwan matapos manganak, nagtungo umano si Janella kay Dra. Vicki para sa “360° Liposuction” procedure. Lumaylay raw ang balat ni Janella matapos matanggal ang taba kaya gumamit sila ng Skin Genius after three months para maiayos ito.
Ngayon, hindi mahahalatang may anak na ang 23-anyos na aktres, dahil napaka-sexy nito at talagang bagay na bagay sa Valentina role. Kung magkano ang nagastos sa procedure na ito? Sa Skin Genius pa lang, PHP80,000 per session, habang ang 360° Liposuction ay PHP112,000 pataas, depende kung saang area ang ipala-lipo. Mahal talagang maging maganda. — KNMartin