(ni CT SARIGUMBA)
HINDI nga naman maiiwasan ang pressure sa trabaho. Gayunpaman, kailangang matutunan natin itong harapin lalo pa’t araw-araw na natin itong nakakasama sa pagtatrabaho. Hindi rin ma-bilang ang mga dahilan kung kaya’t naka-darama tayo ng pressure gaya na lang ng kaliwa’t ka-nang kailangang tapusin, kasamahan sa trabaho at kung minsan pa, dahil sa boss.
At dahil nga hindi nawawala ang pressure sa trabaho, narito ang ilan sa mga simpleng paraan kung paano ito haharapin:
MAGING KALMADO SA ANO MANG ORAS AT PAGKAKATAON
Mahalaga ang pagiging kalmado sa ano mang oras at panahon nang maiwasang lumala ang sitwasyon. Oo nga’t hindi madaling maging kalmado lalo na kung ang dami-dami mong iniisip at dapat gawin.
Pero napakahalaga ng pagiging kalmado sapagkat dito mo maipapakita ang kakayahan mo sa pagharap sa mga bagay sa panahon ng problema. Ka-pag kalmado rin ang isang empleyado, magagampanan nito ng maayos ang trabaho sa kabila ng pressure na kinahaharap.
MAG-FOCUS SA MGA KAILANGANG TAPUSIN
Sa kabila ng stress o pressure sa trabaho, mainam kung sasanayin ang sariling mag-focus sa mga kailangang gawin. Mag-focus o ituon ang sarili sa pagtatrabaho nang mawala ang isip sa kinahaharap na stress o pressure.
Kung itutuon din natin ang sarili sa mga nakaatang na gawain o mga gawaing kailangang tapusin sa buong araw, hindi masasayang ang pagtatrabaho natin dahil paniguradong may matatapos ang bawat empleyado.
MAGING POSITIBO SA KABILA NG KINAHAHARAP NA STRESS
Sa mga panahong kumakaharap tayo ng problema o napi-pressure tayo sa trabaho, kadalasan ay napanghihinaan tayo ng loob. Pero huwag tayong padadala sa mga nararamdaman nating negatibo bagkus ay maging positibo.
Kumbaga, huwag nating tingnan ng negative ang kung ano mang pinagdaraanan nating stress o pressure sa opisina. May dahilan ang bawat pangyayari.
Para rin mapanatiling positibo ang isipan, magtrabaho ng maayos. Isipin din ang mga positibo o magandang bagay na mangyayari sa hinaharap.
NGUMITI AT HUMINGA NG MALALIM
Importante rin ang pagiging masaya sa kabila ng kinahaharap na problema. Kung punumpuno ang isip ng kung ano-anong alalahanin, ipikit ang mga mata, huminga ng malalim at piliting ikalma ang sarili.
Lumabas din kasama ang mga katrabaho o kaya, makipag-usap sa mga ito nang mabawasan ang stress o pressure na nararamdaman. Mainam nga naman ang pakikipag-usap sa malalapit na kaibigan o katrabaho nang lumuwag ang loob.
MAGING ORGANISADO
Importante rin ang pagiging organisado nang maiwasan ang pressure sa trabaho. Kaya’t napakahalagang pinag-iisipan at pinagpaplanuhan natin ang mga gagawin sa buong araw. Ayusin natin ang mga gawaing kailangan nating tapusin sa buong araw. Puwedeng isulat natin ito nang walang makalig-taan at maiwasan ang stress.
IWASAN ANG MULTITASKING
Marami sa atin ang nagmu-multitask o ginagawa ang maraming trabaho o gawain nang sabay-sabay sa pag-aakalang makabubuti ito. Ngunit hindi makatutulong sa atin ang pagmu-multitask. Kapag pinagsabay-sabay kasi natin ang mga gawain sa inilaan nating oras, maaaring mahati ang ating isipan at hindi maibigay ang best natin sa isang gawain. Mas stressful din kapag marami tayong iniisip o gustong tapusin.
Kaya naman, ang makabubuting gawin ay gawin ng paisa-isa ang trabaho at huwag pagsasabay-sabayin.
MAGLAKAD-LAKAD KAPAG LUNCH BREAK
Marami sa atin na mas pinipili ang manatili sa opisina kapag lunch break. Dahil nga naman tambak ang mga kailangang tapusin, mas pinipili ng ilan na mag-stay na lang sa office at sa table kung saan sila nagtatrabaho ay doon na rin kumain. May ilan ding habang kumakain ay nagtatrabaho. Ang gani-tong gawi ay maituturing din na multitasking kaya’t dapat na maging aware tayo.
Kunsabagay, ginagawa nga naman ito ng marami sa atin. Pero kahit na sabihing ginagawa ito ng marami sa atin o nak-asanayan na, mahalaga pa ring naglalaan tayo ng panahon sa pagkain ng lunch o merienda. Kailangan din natin ng ehersisyo para mapanatili nating malusog at malakas ang pangan-gatawan. Kung malusog ang ating pangangatawan ay makakayanan at malalampasan natin ang stress o problemang kinahaharap natin sa trabaho.
Kaya naman, mas piliing maglakad-lakad kapag lunch break nang mabuhayan ng loob at ma-refresh ang isipan. Bukod din sa nare-refresh ang ating isipan sa paglalakad-lakad, nakapag-e-exercise pa tayo.
MAGPAHINGA AT KUMAIN NG MASUSTANSIYANG PAGKAIN
Mahalaga rin siyempre ang tamang pahinga at pagkain ng masusustansiyang pagkain upang malabanan ang pressure o stress sa trabaho man o sa pamilya.
Kaya naman, maglaan ng panahon upang mabawi ang lakas na nawala sa pagtatrabaho. Maging maingat din sa kakainin at piliin ang mga ma-susustansiyang pagkain.
Hindi maiiwasan ang pressure. Kumbaga, karamay na natin iyan sa araw-araw. Gayunpaman, may mga paraan kung paano natin ito mahaharap o malalampasan. (photo credits: Google)
Comments are closed.