KUMUSTA, ka-negosyo? Sana nasa mabuti kayong kalagayan. Alam naman natin ang kasalukuyang kalagayan kung saan malaking epekto ang panunumbalik ng NCR at mga karatig na probinsya sa mas mahigpit na lockdown na dala ng ECQ. Sa pagpapatuloy ng aking pitak na to, napalawig pa ang ECQ na aabutin na ng Abril 30. Isang buwan na bale ito. Kaya pa? Dapat kayanin! Kukumustahin ko lang sana ang aspeto ng marketing na isa sa pinakamahalagang parte ng istratehiya sa pagnenegosyo sa panahong ito — ang digital marketing. Kung pagtutuunan mo pa ito ng ekstrang pansin, marahil ay makikita mo na mayroon pang ikagaganda ang pagnenegosyo mo ngayong taon kahit pa nag-ECQ na naman.
At dahil nasa pandemya pa rin tayo, alam mo naman na ang digital marketing ang pangunahing instrumento sa pag-abot sa iyong merkado. Dahil malaking usapin ang digital marketing, pagtuunan natin ang iba’t ibang aspeto nito at ‘di lang social media. Ito kasi ang ating mas magagamit dahil maraminang maaabot na mamimili sa panahon ng pandemya at lockdown. Narito ang ilang paraan para mas pasiglahin ang digital marketing ng negosyo.O, ano, tara na at matuto!
#1 Siguraduhing naka-set up nang maayos ang website mo
Nasabi ko na ito ng ilang beses na ang pinakamahalagang pag-aari mo sa mundo ng digital ay ang website mo. Kaya dapat, lahat ng aspeto nito ay iyong pagtuunan ng pansin. Palawigin ang merkdaong pupunta rito at ayusin ang eksperyensiya ng mamimili na titingin dito. Una, tiyakin na mabilis ang pag-load ng website mo. Madalas, ang mabagal na pag-load ng website ang dahilan kung bakit umaalia na lang ang kostumer. Kaya naman lahat ng paraan para tila pagaangin ito, gawin mo.
Una, mas mainam na huwag tadtarin ng mga imahe at photos ang home page mo na siyang pangunahing nilalandingan ng mga kostumer.
Ikalawa, ayusin ang nilalaman o content nito. Kung ‘di maayos o kaaya-aya sa target mong merkado, ‘di na sila babalik. Baka kumalat pa ang pangit na imahe, ‘di ba? Siyempre, sigaruduhing maayos din ang loading nito sa mga mobile devices.
Ikatlo, lagyan mo na ng e-commerce ang website mo. Tutal, andun na sila, pabilihin mo na rin, ‘di ba?
At panghuli, protektahan ang mamimili at iyong negosyo sa pamamagitan ng cybersecurity ang website mo. Siguro naman ay naka-set up na ang social media page o business account mo. Kasi kung personal na account lang ang ginawa mo at ginagamit sa kasalukuyan, gawa ka na agad ng propesyunal na page o business account.
#2 I-set up mo ang SEO mo na ayon sa nais ng Google
Ngayong Mayo 2021, balitang-balita ang pagbabagong muli ng algoritmo ng Google kung saan mahihirapan na naman ang mga website na umangat sa search kung ‘di nila i-upgrade ang kanilang SEO. ‘Yan na ngayon ang dapat mong pagtuunan ng pansin matapos ang pag-sasaayos ng website. Simple lang naman ang gawain ng SEO. Isa itong malaking paraan upang madaling ma-search ang website mo sa Google. Marami mang gawain ang dapat mong ayusin sa larangan ng SEO, kailangan mo pa rin itong ayusin. Kasama rito ang mga angkop na key-words na siyang hahanapin o ita-type ng mgamamimili mo. Ang pangunahing social media platform na dapat gamitin sa Filipinas ay ang Facebook. Ang mahigit 50 milyong katao na puwedeng maging kostumer mo ay ‘di biro. Kaya dapat maayos ang pundasyon nito. Sa Facebook, may sariling 13-point checklist na ipinakikita ang mismong FB. Ilan dito ay ang paglagay ng contact number, email addres at website address ng negosyo. Ayusin mo muna ang mga ito bago ka sumabak sa 2021 social media marketing mo.
#3 Saliksikin ang kumpetisyon
Lahat ng negosyo ay may kakumpitensiya kahit papaano. Madalas, may nauna na sa ideya mo. Kaya naman kung magsasaliksik kang mabuti, may shortcut ka na sa digital marketing ng negosyo mo. Sa paanong paraan? Kung sasaliksikin mo ang bawat aspeto ng mga ginagawa ng kakumpitensiya mo sa website nila, social media, at Google at Facebook advertising — malalaman mo ang mga dapat iwasan, paghandaan at gagayahin o mas palalawigin, ‘di ba? Ang pagsaliksik sa kumpetisyon ay simple, ngunit kailangang masinsin at may kaunting analysis. Search mo ang Google at Facebook bilang pangunahing paraan kung saan makikita ang tungkol sa kanila. Kapag nakakita ka ng kapareho mong negosyo, malamang makikita mo sa baba o gilid ng search results ang iba pang kakumpitensiya mo. Tandaan mo na maaaring direkta o ‘di direkta ang kompetisyon ha? Ang mga dapat tingnan ay ang mga piling produkto na kanilang mina-market at ano ang mga ginagawa nilang paraan sa pag-market sa social media, lalo na sa Google at Facebook. Dito mo malalaman kung ano ang istratehiya nila sa kabuuan ng negosyo nila rito. Pag-aralan mo rin ang branding at pagpapalawig ng kanilang reputasyon.
#4 Alamin ang mismong pinaka-kostumer mo
Kung ‘di mo pa lubos na kilala ang merkado mo sa larangan ng social media, alamin mo ito. Alamin ang kung ano ang binabasa o pinanonood nila at kung ano ang mahahalagang bagay na kanilang pinagtutuunan ng pansin, pinag-uusapan at sinusundang mga isyu o bagay-bagay. May simpleng analytics ang FB Page na tawag ay Insights. Dito nakikita ang mga trends, likes at kung ano-ano pa ukol sa page mo. Mayroon ding mga libreng social analytics tools na makukuha online upang magawan ng forensics ang page mo at ang total na reputasyon mo online. Ang pag-aanalisa ng kostumer mo ay isa sa pinakamahalagang aspeto ng paggawa ng istratehiya sa digital marketing mo.
#5 Patatagin ang relasyon sa kostumer sa social media
Maraming paraan ang pagpapalawig ng relasyon sa mga kostumer at nais makuhang kostumer sa pamamagitan ng social media. Sa Facebook, ang maayos na setup ng chat o messenger ay mahalaga. Ito kasi ang gagamitin mong awtomatikong taga-sagot sa mga mag-me-message sa page mo. Puwede na kasing automated na ito. I-set up mo ito. Sa mga posts mo naman, siguraduhing may link sa messenger o sa website o anumang contact details sa captions ng mga post. Para matapos nilang makita ang mga post mo, alam nila saan pupunta. Sa mga comment naman, i-manage mo itong mabuti. Huwag kang mag-engage sa mga negatibong comments. Sa halip, sagutin nang maayos at ituro sa messenger para pribado na ang pagsagot.
Tandaan na ang gagawin mo sa page mo ang bubuo ng reputasyon mo kaya maging masinop sa istratehiya.
Konklusyon
Ang pagtuon mo ng mas maigting na pansin sa digital marketing para sa negosyo ay mas mahalaga sa panahon ngayon. Dahil na rin sa pag-shift ng kostumer online ngayong pandemya, ayusinmo ang istratehiya dito. Tandaan na ang pagnenegosyo ay nangangailangan ng sipag, tiyaga at dasal. Huwag kang mawawalan ng loob kung makararanas ng pagsubok. Tuloy lang!
Si Homer Nievera ay isang techpreneur at makokontak sa [email protected].
172298 959047Depending on yourself to make the decisions can really be upsetting and frustrating. It takes years to build confidence. Frankly it takes much more than just happening to happen. 480522
592459 465590You produced some great points there. I did a search on the topic and discovered many people will agree along with your weblog. 345642
459314 71641Every e-mail you send should have your signature with the link to your web website or weblog. That usually brings in some visitors. 381406
Your writing is perfect and complete. baccarat online However, I think it will be more wonderful if your post includes additional topics that I am thinking of. I have a lot of posts on my site similar to your topic. Would you like to visit once?
175633 694236It is truly a great and beneficial piece of information. Im happy that you just shared this valuable info with us. Please stay us informed like this. Thank you for sharing. 867811