KUMUSTA, ka-negosyo?
Sa mahigit 30 taon ko sa pag-nenegosyo, isang bahagi ng naging karera ko ay bilang isang ‘image consultant’.
Ang trabahong ito ay nasimulan ko noong ‘di pa uso ang Internet at wala pang social media. Mas madali lang noon ang pagsasaayos ng reputasyon sa media dahil TV, radio at diyaryo lang ang pagkakaabalahan mo.
Ngayon, sa panahon ng Internet, at lalo na sa panahon ng pandemya, mas lumaki ang papel ng digital at Internet sa pamamahala ng iyong reputasyon.
Paano nga ba mapangangalagaan ang reputasyon mo upang umangat ka sa iba? Gaano nga ba ito kahalaga lalo pa’t maraming mga negosyo ang nagsara na o kaya’y nanganganib na magsara?
O siya, tara na at matuto!
#1 Mga pagsusuri at pagpuna online
Tuwing bumibili ka ba sa mga online marketplace gaya ng Lazada, Shopee at iba pa, tinitingnan mo ba muna ang mga review ng produktong bibilhin? Sinisilip mo ba at binabasa ang mga sinasabi ng ibang tao
ukol sa produktong bibilhin mo?
At kung ikaw naman ang nagbebenta ng mga ito, pinagtutuunan mo ba ng pansin ang mga puna nila?
Ganyan kahalaga ang mga tinatawag na reviews at feedback na makikita sa mga shopping site na ito. Ganyan din kahalaga ang pagkakaroon ng maayos na mekanismo ng pagpuna ukol sa ibinebenta mo. ‘Yan kasi ang magagamit mo upang malaman mo kung ano ba talaga ang halaga ng produkto o serbisyo mo sa ibang tao.
Kaya naman kung may mga kostumer kang alam mong natuwa sa serbisyo mo, pakiusapan silang mag-iwan ng review.
#2 Testimonyal
Ang sarili kong website na HomerNievera.com ay may kasamang testomonials. Bilang isang speaker at consultant, mahalaga ang reputasyon ko para sa makakasalamuha ko. Iniingatan ko ang imahe ko kaya naman nais kong makita kung ano ang sinasabi nila ukol sa akin. At ito naman ay inilalathala ko sa website ko.
Ang Linkedin ay kilala sa pagkakaroon ng “Recommendation” kung saan makakahingi ka ng rekomendasyon sa mga taong nasa network mo at nakasalamuha mo na.
Malaking bagay ito kasi sinasabi kung paano kayo nagkaroon ng kauganayan sa isa’t isa. At ang mahalaga ay kung ano ang masasabi nila ukol sa iyo.
Gayundin naman ang Trust Pilot kung saan bilang isang negosyo ay maaari kang mabigyan ng rating. Ang blog ko na Negosentro.com ay may 4.5 stars na rating mula sa 5 stars, na ang ibig sabihin ay excellent! Malaking bagay ito sa aking mga mambabasa para sa kredibildad ng blog ko.
Ang mga testimonial ay kadalasang hinihingi sa mga kakilala mo o sa mga kostumer na natuwa sa produkto o serbisyo mo. Ngunit ‘di ito katulad ng maiksing review na maaaring isang pangungusap lamang. Mas mahaba ito at may kaunting detalye gaya ng kung saan kayo nagkasama at iba pa.
Kaya naman mas may dagdag na bigat ang testimonial kaysa review.
Show Quoted Content

#3 Pagkakaroon ng Blog
Madalas sa mga bagong website na itinatayo namin para sa mga kompanyang kliyente namin ay pinalalagyan namin ito ng blog page kung saan nila inilalathala ang mga bagay-bagay na mag-uugnay sa reputasyon o pagkakakilala sa kanila.
Ang simpleng dahilan ng isang blog ay ang pagkakaroon ng mga maayos at lehitimong artikulo ukol sa negosyo mo kaysa iba ang magsulat nito na ‘di naman maayos, ‘di ba? Kumbaga, mauna ka nang pumuri sa sarili mo kaysa may maling masabi pa ang iba ukol sa iyo.
Sa kalaunan, ang pagkakaroon at pagpapanatili ng isang blog ay may kaugnayan sa SEO mo kung saan sa mga gaya ng Google, ang search na kanilang gagawin ay mapupunta sa
Show Quoted Content
#3 Pagkakaroon ng Blog
Madalas sa mga bagong website na itinatayo
namin para sa mga kompanyang kliyente namin ay pinalalagyan namin ito ng blog page kung saan nila inilalathala ang mga bagay-bagay na mag-uugnay sa reputasyon o pagkakakilala sa kanila.
Ang simpleng dahilan ng isang blog ay ang pagkakaroon ng mga maayos at lehitimong artikulo ukol sa negosyo mo kaysa iba ang magsulat nito na ‘di naman maayos, ‘di ba? Kumbaga, mauna ka nang pumuri sa sarili mo kaysa may maling masabi pa ang iba ukol sa iyo.
Sa kalaunan, ang pagkakaroon at pagpapanatili ng isang
blog ay may kaugnayan sa SEO mo kung saan sa mga gaya ng Google, ang search na kanilang gagawin ay mapupunta sa mismong blog mo. Ito ay para mas maaayos mo ang laman ng Google Search ukol sa mga impormasyon na ukol sa iyo.
#4 Pagkakaroon ng mga Manunulat Para sa Iyo
Narinig mo na ba ang salitang PR? Ang ibig sabihin lang naman nito ay Public Relations – o kaya naman ay Press Release. Ito ang isa sa pinaka-tradisyonal na paraan sa pangangalaga ng iyong reputasyon.
Sa paraang ito, may mga tao kang kinakausap upang maipalabas sa sarili nilang pahayagan o blog ang mga balita o ano pa man ukol sa iyo o iyong negosyo. Ang simpleng gawain na ito ay may kinalaman sa “word of mouth” na istratehiya kung saan pinalawak mo ang network na nagsusulat o nagbabalita ukol sa iyo.
Malaking bagay ito sa pagpapalawig ng iyong

Malaking bagay ito sa pagpapalawig ng iyong reputasyon dahil mas kapani-paniwala nga naman ang sinasabi ng iba tungkol sa iyo kaysa galing mismo sa iyo, ‘di ba?
Paano ba ito ginagawa?
Simulan mo sa pagsusulat ng isang artikulo na iyong ipamamahagi sa mga kilalang bloggers o editors upang kanilang mapag-aralan kung puwede itong mailathala sa kanilang pahayagan o blogs.
Ang gaya naming may blog network (mga 30+ sites!) ay tumatanggap ng mga ganitong pakiusap dahil na rin naghahanap kami ng mga artikulo o content na may kaugnayan sa aming mga blog.
Madalas libre, at minsan may bayad ang pagpapalawig sa ganitong pamamaraan.
#5 Halaga ng Social Media
Kailangan pa bang i-memorya ang halaga ng social media sa pangangalaga ng iyong reputasyon?
Alam naman natin na ang pagsasaayos ng ating mga social media pages (at accounts) ay isa sa pinakamahalagang paraan ng pagpapalawig at pag-aalaga ng ating reputasyon. Mabilis kasing kumalat ang mga balita sa social media pa lamang, ‘di ba?
Simple lang naman ang pakakatandaan sa pamamaraang ito. Siguraduhing consistent at relevant ang ang laman ng social media mo. Alam din naman ng mga follower kung tunay o hindi ang sinasabi mo kaya ingat ka rin.
At dahil madaling mag-share, mas doble ang ingat.
Maaari kang gumamit ng mga social influencer (may 5,000 pataas na followers) upang bumilis ang pagpapalawig ng mga mensahe mo. Siguraduhing match sa iyong negosyo o produkto ang kanilang reputasyon din.
Konklusyon
Tandaan mo na ang halaga ng reputasyon mo ay ang mismong negosyo mo. Mahalagang pangalagaan ang reputasyon dahil mas madaling magpaganda nito kaysa ayusin ang pagkasira nito.
Maging masinop sa pangangalaga ng reputasyon. Siguraduhing totoo ang mga ilalathala mo.
Sa huli, mas mahalaga ang tunay na pakikipagrelasyon sa negosyo.
Tandaan din, sa lahat ng bagay, dasal, tiyaga at tiwala sa sariling kakayahan ang kailangan upang magtagumpay, ka-negosyo!
oOo
Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Magmensahe lamang sa email na [email protected] kung may mga katanungan.
Comments are closed.