PAANO PATAKBUHIN NANG MAAYOS ANG ONLINE NEGOSYO SA PANAHON NG PANDEMYA

homer nievera

KUMUSTA, ka-negosyo? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Habang isinusulat ko itong pitak na ito, tumaas na nang husto ang bilang ng mga naitalang nahawa ng COVID-19 sa Filipinas. Sabi ng iba, maaari raw na dala ito ng excitement sa pag-aakalang ‘di na sila mahahawa kasi may dumating na panimulang bakuna. At dahil nga sa pangyayaring ito, mas matatagalan pa lalo ang pamamayani ng pandemya sa bansa, at apektado na naman ang pagnenegosyo sa pangkalahatan. Ano ang sagot natin dito?

Sa paglaganap ng pandemya noong 2020, agad na lumipat sa digital ang mga negosyo. ‘Di man ito perpekto dahil marami pa rin ang nangangapa sa mga dapat gawing sistema, ang mahalaga, may ginagawang aksiyon. Kaya naman naisip kong tutukan muna ang online business sa pitak na ito upang ipahiwatig na talagang ito ang paraan ng pagnenegosyo na dapat nating  simulan at kasanayan. Matapos man o hindi ang pandemya sa madaling panahon, ang mahalaga ay masagot muna ang kahilingan ng mga kostumer at ng negosyo sa pangkalahatan. O, ano, tara na at matuto! Ang kinakaharap sa online business ngayon Ang katotohanan ay nagiging mas mahalaga  ang remote work o work from home sa kasalukuyang panahon. At ‘di malayong ito na rin ang maging kalakaran sa mahabang panahon. Dahil na rin ito sa ilang mga magagandang nakukuha ng mga nagnenegosyo.

Una, ito ang pinakaligtas na paraan dahil sa pananatili sa kani-kanilang bahay ng mga empleyadong nag-oopisina dati. Isa pa, mas nakakatipid sa bayad ng renta, koryente at iba pa, bukod sa natitipid din ng mga empleyado sa pera at panahon na nasakalsada sila. Pero mayroon pa ring kinakaharap ang mga remote worker. Kasama rito  ang ilang isyu sa mental health, motibasyon, at iba’t ibang distraksyon na maaari nilang  nakakasalamuha araw-araw bilang work from home. Itong mga isyung ito ang dapat mong isaalang-alang muna.

Sa harap naman ng mga kostumer, ang pakikipagsalamuha sa kanila ay pumipihit na papuntang online at mobile lahat. ‘Yan naman ang dapat mong pagtuunan ng panahon at pansin. Narito naman ang mga dapat mong gawin ngayon bilang online negosyante.

#1 I-update ang Website

Nabanggit ko na ang halaga ng isang website ng ilang ulit na sa mga nakaraang pitak ko. Ang pinakamahalagang dapat na tandaan ay ang website ang bagay na tunay mong pag-aari online. ‘Di mo pag-aari ang Facebook at iba pang social media na plataporma, ‘di ba? ‘Di ikaw ang nagmamay-ari ng Google. Kaya naman mahalagang updated ang website mo. Ang bagong update na gagawin ng Google ngayong Mayo 2021 ay may kinalaman sa pag-update mo ng website na magiging mas madali ang mag- search dito.  Una, dapat mas madali itong mag-load sa screen. Kung mabibigat kasi ang mga nakalagay sa home page mo pa lang, tiyak na ‘di na ito irerekomenda ni Google. Siguraduhin mo ring mas akma na ito sa parehong mobile at PC.

#2 Pokus sa Online Security

Lalo na kung may  transaksiyong magaganap sa website mo, dapat maayos ang seguridad dito. Alamin ang lahat ng tungkol dito dahil isang pagkakamali mo lang, malaki ang mawawala sa iyo. Kung wordpress ang gamit mo sa website, may mga SecuritPlugins na tinatawag ang ginagamit para ‘di ka mapasok ng mga hacker. Kung iba naman ang gamit mong CMS o content management system, may mga akma rin ditong seguridad. Silipin mo rin ang seguridad ng mga data bases mo. Ito kasi ang laging inaatake ng mga hacker.

#3 Gawing Prayoridad ang Marketing

Mahalagang makilala ka sa larangang digital, ‘di ba? Dito kasi nagkikita-kita ang mga kostumer o potensiyal mong mgakostumer. Kaya kung pahahalagahan mo ang digital marketing ng kabuuan, makakaungos ka. Maaaring magsimula ka sa branding o searchability ng site mo. Depende iyan sa istratehiya mo. Sa totoo lang, kung nasa merkado na ang mga produkto mo, unahin mo na agad na searchable ka. Ibig sabihin kasi, nagawa mo na ang branding mo bago ka nag-launch, ‘di ba? Pero kung nag-rebranding ka naman, kailangan pa rin na ‘di ka mawawala sa paningin ng mga kostumer. Tamang balance lang ang gagawin at huwag puro social media ang gagawin mo. Sa larangan ng digital marketing, maraming bagay ang puwede mong gamitin upang makasalamuha ang kostumer at makabenta sa kanila. Kakayanin mo ring ma-track ang customer journey nila, ayusin ang content, at makuha silang bibili na mismo sa website mo o sa marketplace gaya ng Lazada at Shopee. Batsa  huwag mo ring kakalimutan ang pagtuon sa customer service dahil pagkatapos mong mahuli ang  kostumer, dapat mo naman silang alagaang mabuti, ok?

#4 Pangangailangan ng Coaching at Personal na Koordinasyon

Sa mga panahong ito na sari-sari ang mga kinakaharap na isyu ng  mga tauhan, mas kailangan ngayon ang one-on-one coaching o kaya’y mentoring.  Ayon sa mga pag-aaral, Malaki ang maitutulong ng coaching at mentoring sa mga taong tila pakiramdam nila ay isolated sila o parang nakakulong. Dati kasi, nakikita nila ang reaksiyon ng iba, lalona ng kanilang mga boss. Ngayon, nawawala na ang koneksiyon na ito. Tandaan mo na malaking bagay ang makakuha ng feedback mula sa mga boss na siya namang nagiging motibasyon ng mga tauhan. Paano mo nga ba gagawin ang mga ito? Sa aking munting negosyo na remote ang sitwasyon namin, at nasa iba’t ibang bansa pa ang karamihang manunulat ko, ang simpleng email feedback at mga chat sa messenger ay malayo ang nararating.  Ngayon, may ginagamit din kaming sistema na Slack ang tawag kung saan mas may koordinasyon sa mga nangyayari. Kung ano man ang gagamitin ninyong sistema o plataporma ng koordinasyon, ang mahalaga ay mayroon kayong patuloy na komunikasyon. Ngunit mas mahalaga pa rin ang face-to-face gamit ang gaya ng Zoom o Google Meet at iba pa kung saan nakikita ang reaksiyon ng mga tao, ‘di ba?

Konklusyon

Malaki pa ang dapat nating talakayin ukol dito ngunit mauubos naman ang espasyo natin. Kaya naman sa mga susunod na pitak ko na lang uli bibistahin ang mga tatalakayin  natin.

Tandaan na ang pagnenegosyo ay nangangailangan ng sipag, tiyaga at dasal. Huwag kang mawawalan ng loob kung makararanas ng pagsubok. Tuloy lang!

vvv

Si Homer Nievera ay isang techpreneur at makokontak sachief@negosentro.com.

44 thoughts on “PAANO PATAKBUHIN NANG MAAYOS ANG ONLINE NEGOSYO SA PANAHON NG PANDEMYA”

  1. I am really enjoying the theme/design of your site.
    Do you ever run into any web browser compatibility problems?

    A few of my blog visitors have complained about my website not working correctly in Explorer but looks great in Firefox.

    Do you have any suggestions to help fix this problem?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *