PAANO UMARANGKADA ANG NEGOSYO SA PAMAMAGITAN NG TAMANG MARKETING

homer nievera

KUMUSTA, ka-negosyo? Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan. Maraming negosyo ngayon ang naantala ang paglago dahil sa pandemya. Sa totoo lang, may pandemya man o wala, dapat talaga ay handa ka sa lahat ng maaaring maging sitwasyon. Pero siyempre, ‘di natin lahat alintana ang maaaring dumating na krisis sa atin, lalo pa’t buong mundo ang apektado. Ngunit ‘di natin dapat isiping hanggang dito na lang tayo, ‘di ba?

Kahit anong galling at lakas ng loob natin, kailangan pa rin natin ng tamang galaw upang mas umarangkada pa ang MSME natin ngayong may krisis pa rin tayo. Medyo babalikan natin ang ilang mga tips na aking nailahad na noon at mga karagdagang tips pa. O, ano, tara na at matuto!

#1 Pagbalangkas ng tamang layunin

Kahit na anong galing mo kung ‘di tama ang layuning naibalangkas mo para sa negosyo at sa marketing mo, wala kang patutunguhan. Sabi nga ng  marami, ang layunin o goals ng negosyo ang  magsasabi kung magiging matagumpay ka o hindi sa hinaharap. Kasi, kapag mali ang layunin, at ‘di nai-akma sa istratehiya, talo ang negosyo. Katulad ngayong panahon ng pandemya. Wala naman talagang mag-aakala na hahantong tayo sa ganito, ‘di ba? Nakaarangkadaka na siguro hanggang sa tumigil ang lahat noong gitna ng 2020. Boom! ECQ at lockdowns ang nangyari. Sa milyon-milyong naapektuhan ng pandemya sa loob lamang ng unang anim na buwan, bagsak agad ang ekonomiya at marami ang nawalan ng trabaho.

Paano mo ba maiaakma ang layunin mo sa panahong kasalukuya? Alam mo na ang health protocols, ‘di ba? Alam mo na ang lahat ay back to basics. Kaya ‘yan ang layunin mo rin.  Ibalik ang lahat sa pinakasimpleng pagnenegosyo, gamit naman ngayon ang teknolohiya sa abot ng makakaya mo.

Isang halimbawa ng layunin ay ang pagsisigurong magawa ang ecommerce website mo sa loob ng isang buwan at makaabot ng higit sa kalahati sa naging kostumer mo noong wala pang pandemya.

Isa pang halimbawa ng bagong layunin na naaayon sa panahon ay ang pagkakaroon ng lubos na training ukol sa social media para sa mga tauhan upang makatulong sa pag-promote ng mga produkto mo sa social media. Marami pang puwedeng gawin na pihit sa layunin mo. Ang mahalaga, magsimula ka sa alam mong kakayaning magawa na agad.

#3 Kilalanin ang mga kostumer at kumpetisyon

Lahat ng apektadong lugar at negosyo ay napilitang magbawas ng taong nasa lugar ng trabaho, at 50% ang work-from-home o nasa remote setup. Ang mga kostumer ngayon ay nasa kani-kanilang tahanan at nagtatrabaho. Ano ang sagot mo sa ganitong sitwasyon ng iyong mga kostumer? ‘Di ba dapat mong dalhin sa kanila ang kanilangpangangailangan? Kung ‘di mo pa lubos na kilala ang merkado at industriyang ginagalawan mo, may problema kang kakaharapin. Tandaan mo na ang pagsasaliksik sa kostumer atkumpetisyon ay susi upang makaungos ka sa pagbebenta. Kung sasaliksikin mo ang bawat aspeto ng mga ginagawa ng kakumpitensiya mo, malalaman mo ang mga dapat iwasan, paghandaan at gagayahin o mas palalawigin, ‘di ba?

Ang pagsaliksik sa kumpetisyon ay simple, ngunit kailangang masinsin at may kaunting analysis. Search mo ang Facebook bilang pangunahing paraan kung saan makikita ang tungkol sa kanila.  Kapag nakakita ka ng kapareho mong negosyo, malamang makikita mo sa baba o gilid ng search re-sults ang iba pang kakumpitensya mo. Tandaan mo na maaaring direkta o ‘di direkta ang kompetisyon, ha?

Ang mga dapat naming tingnan sa mga kostumer mo ay ang kanilang mga piling produkto na kanilang binibili at ang mga katulad nito. Gayundin ang pag-analisa sa mga trends upang mapaghandaan ito. May simpleng analytics ang FB Page na tawag ay Insights. Dito nakikita ang mga trends, likes at kung ano-ano pa ukol sa page mo. Mayroon ding mga libreng social analytics tools na makukuha online upang magawan ng forensics ang page mo at ang total na reputasyo  mo online. Ang pag-aanalisa ng kostumer at kakumpitensiya mo ay isa sa pinakamahalagang aspeto ng paggawa ng istratehiya sa marketing mo. Ikaw, ano ang sinasabi ng mga kostumer mo?  Kailangan mo na rin bang mag-pivot ng negosyo? Anong mga bagay ang dapat mong gawin pa?

#4 Basahin at intindihin ang mga datos

Lalo na sa mga panahon ng krisis, lamang ang may alam. May lakas sa kaalaman! Nagbabasa ka ba ng mga datos? Nagsasaliksik ka ba ukol dito na makaaapekto sa iyong negosyo? Tandaan mo na maraming datos  ang makakalap mo at dapat mong ianalisa ang mga ito. Tingnan mo paano ito makatu-tulong para  mapaangat ang iyong negosyo mula sa pagkakadapa. Ayon sa datos ukol sa kasalukuyang pangangalakal, saan ito papunta? Oo, alam mong digital ang punta ng pag-market, halimbawa. Ngunit alam mo na kung ano ang platapormang gamit ng kostumer mo para maabot mo sila? May mga datos ukol dito na puwedeng halukayin upang gumabay sa mga desisyon mo. Gawin mo na ito ngayon. Suriin mo ang mga resulta. Kung nagawa mo ang mga pagpapabuti para sa unang yugto ng patatayo mong muli, suriin mo ang mga resulta nito. Ayusin ang mga dapat pang ayusin kaagad. Huwag ipagpapaliban ang mga ito dahil mahalaga ang bawat oras lalo na sa panahon ng krisis. Itong linggong ito, kinausap ko ang isang kaibigan na nawalan ng trabaho. Isa siyang eksperto sa marketing. Dahil kailangan ko ang kanyang kaalaman sa isang parte ng aking negosyo, nakipag-alyansa ako sa kanya. Ilang araw pa lang mula nang kami ay mag-usap, mayroon na agad magandang resulta ang kanyang nagawa. Dahil na rin lagi kong sinusuri ang mga datos kaya mabilis ang pagsasaayos ng mga bagay. Ikaw, ka-negosyo, nasusuri mo ba agad ang mga resulta?

#5 Halaga ng customer service

Alam mo na naman siguro ang halaga ng serbisyong para sa mamimili gaya ng simpleng pagsagot sa kanilang mga tanong. Ang gamit ng social media sa larangang ito ay malaki sa pamamagitan n ng pagpapasimple ng proseso kung saan ang pag-PM (personal message) sa FB page ay madaling gawin. Umiiksi tuloy ang proseso nito. Tandaan mo na maraming paraan ang pagpapalawig ng relasyon sa mga kostumer at nais makuhang kostumer sa pama-magitan ng social media. Sa Facebook, ang maayos na setup ng chat o messenger ay mahalaga. Ito kasi ang gagamitin mong awtomatikong  taga-sagot sa mga mag-me-message sa page mo. Puwede na kasing automated na ito. I-set up mo ito.

Sa mga post mo naman, siguraduhing may link sa Messenger o sa website o anumang contact details sa captions ng mga post. Para matapos nilang makita ang mga post mo, alam nila saan pupunta. Sa mga comment naman, i-manage mo itong mabuti. Huwag kang mag-engage sa mga negatibong com-ments. Sa halip, sagutin nang maayos at ituro sa messenger para pribado na ang pagsagot.

Tandaan na ang gagawin mo sa page mo ay siyang magbubuo ng reputasyon mo. Kaya maging masinop sa istratehiya. Bukod sa customer service sa social media, ang website mo ay mayroon ding chat na magagamit. Malaking bagay ito sa pagsalo ng mga inquiries sa website mo.

Konklusyon

Malaki pa ang dapat nating talakayin ukol dito ngunit mauubos naman ang espasyo natin. Kaya naman sa mga susunod na pitak ko  na lang uli bibi-sitahin ang mga tatalakayin natin.

Tandaan na ang pagnenegosyo ay nangangailangan ng sipag, tiyaga at dasal. Huwag kang mawawalan ng loob kung makararanas ng pagsubok. Tuloy lang!



Si Homer Nievera ay isang techpreneur at makokontak sa [email protected].

4 thoughts on “PAANO UMARANGKADA ANG NEGOSYO SA PAMAMAGITAN NG TAMANG MARKETING”

  1. 799040 404100I enjoyed reading your pleasant web site. I see you offer priceless info. stumbled into this website by chance but Im confident glad I clicked on that link. You definitely answered all the questions Ive been dying to answer for some time now. Will undoubtedly come back for much more of this. 571214

Comments are closed.