PAANONG NAKAALPAS SA KAHIRAPAN ANG ISANG DATING ISKWATER

Heto Yumayaman

“ANG lahat ng ito’y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.” (Filipinos 4:13)

Nang una kong makilala ang Sabarez family ng Barangay Old Balara, Quezon City, sila ay nakatira sa isang barong-barong na bahay.  Tagpi-tagpi ng lata, kahoy at karton ang pader ng bahay at mga tagpi-tagping yero na may mga gulong sa ibabaw ang bubong.

Tuwing umuulan, tumutulo sa iba’t ibang bahagi ng bahay at nilalagyan nila ng mga tabo para mahuli ang mga tumutulong tubig.  Inabandona sila ng kanilang ama; ang nanay na si Nora lang ang bumuhay sa pitong anak.  Si Chris ang panganay.  Madalas na kulangin sila sa pagkain.  Kung minsan ay inasinang kangkong ang pagkain nila.  Kung minsan ay pumuputol sila ng murang punong saging, kinukuha ang ubod at niluluto para kainin.  Kung minsan ay humuhuli sila ng mga salagubang, tinatanggal ang mga paa at pakpak at inaadobo para kainin.

Ilang beses na nagpaalam si Chris sa ina na hihinto na lang siya sa pag-aaral para makahanap ng full-time na trabaho para tumulong sa ina sa pagbuhay ng pamilya, subalit sinabihan siya ng ina na hindi puwede.  Kahit na ano ang hirap nila, sinabihan sila ng nanay na huwag hihinto sa pag-aaral.  Dapat ay magtapos sila sa kolehiyo.  Dahil matalino si Chris, nakakuha siya ng tulong pinansiyal (scholarship) mula kay Fr. Ben Carreon para maipagpatuloy ang pag-aaral.  Sa hapon at gabi, nagtrabaho si Chris bilang kargador, construction worker o basurero ng MMDA.

Nakilala ko si Chris nang estudyante siya sa high school at ako ay nasa kolehiyo.  Dinala siya ng mga batang tinuturuan ko ng Bibliya sa aking paaralang Unibersidad ng Pilipinas.  Ibinahagi ko kay Chris ang libreng kaligtasang inihahandog ng Diyos sa lahat ng mananampalataya at tatanggap kay Jesu-Cristo.  Tinanggap nga ni Chris ang Panginoon at nagkaroon siya ng pag-asa at direksiyon sa buhay.  May nagbigay sa kanya ng Bibliya mula sa Gideons International.  Binasa iyon ni Chris at dumami ang kaalaman niya at naghangad siyang maglingkod sa Diyos.  Nalinang sa kanyang kalooban ang magkaroon ng takot at pagmamahal sa Diyos.  Natutunan niya ang prinsipyong “ang lahat ng ito’y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.” (Filipinos 4:13) Nagpalakas ng loob niya ang  talatang ito.  Marami sa mga kabataang iskwater ay nawalan na ng pag-asang makaalpas sa kahirapan.  Namuhay sila ng pamumuhay na magulo at maraming bisyo na lalo lamang nagbubulid sa kanila sa kahirapan.  Subalit nabuo sa loob ni Chris na sa tulong ng Panginoon, kaya niyang makaalpas sa kahirapan.

Nang malaman niyang nagtuturo ako ng Bibliya sa mga kabataan sa Capitol Hills subdivision, sumama siya at siya ang naging pinakamatatag sa pananampalataya.  Siya ang naging lider ng mga kabataan.  Dahil sa mga natutunan niya mula sa Bibliya, hinangad niyang magkaroon ng buhay na malayo sa pahamak at gulo.  Hindi niya tinularan ang mga kabataang kaedad niya na maraming bisyo.  Para malugod sa kanya ang Diyos, umiwas siya sa masasamang barkada.  Hininto niya ang pag-inom ng alak at paninigarilyo.  Tinanggihan niya ang alok ng mga kaibigang gumamit ng droga.  Umiwas din siyang sumama sa mga masasamang babae.  Nang alukin siya ng kanyang nobyang magsama na bilang mag-asawa, ang ginawa niya ay hiniwalayan ang nobya dahil ayaw niyang mahulog sa buhay-karalitaan.

Nang magkaroon ako ng sariling BLISS condominium mula sa gobyerno, lagi kong iniimbitahan ang mga kabataang mahihirap na magkaroon kami ng teambuilding, pag-aaral ng Bibliya at sleep over sa aking unit.  Isa si Chris sa laging sumasama.  Mapagmasid siya at nagkaroon siya ng pangarap na magkaroon ng sariling tirahan.  Lagi siyang nagtuturo ng Bibliya sa mga kasamang basurero.  Siya ay naging parang superbisor nila.  ‘Di nagtagal, dahil sa kanyang magandang halimbawa, nataas siya sa puwesto at naging permanenteng empleyado sa opisina ng MMDA.  Dahil sa sipag, tiyaga at katapatan sa trabaho, patuloy siyang nataas sa puwesto hanggang maging department chief.  Marami sanang pagkakataong mangurakot sa puwesto, subalit dahil sa takot niya sa Diyos, hindi niya ginawa.  Minsan ay inutusan siya ng kanyang superbisor na sumama sa pangungurakot nila, subalit humindi siya.  Nainis sa kanya ang maraming taong magnanakaw sa opisina pati na ang superbisor niya.  Ang tingin sa kanya ay walang pakisama.  Sa galit sa kanya, itinapon siya sa iba’t ibang lugar tulad ng Navotas, Malabon, Valenzuela at iba pang magugulo at mihihirap na lugar noong panahong iyon.  Kung ano-anong trabaho ang ibinigay sa kanya bilang parusa sa kanya.  Subalit dahil dito, dumami ang kanyang kaalaman.  ‘Di nagtagal, nang maghanap ang MMDA ng isang taong gagawing Director ng Clean and Green Project ng buong Metro Manila, si Chris ang napili dahil sa dami ng kanyang karanasan.  Napasailalim sa kanya ang mga dati niyang corrupt na mga superbisor.  Napahiya sila kay Chris at humingi ng patawad.  Pinarangalan ng Diyos si Chris.  Nagtapos siya ng engineering at master’s degree.  Bumili siya ng isang lote sa Fairview, Quezon City at nakapagpatayo ng sarili niyang bahay.  Napangasawa niya ang isang maganda at masipag na babaeng tagapangasiwa ng isang private corporation.  Nagkaroon sila ng dalawang anak na parehong napagtapos sa kolehiyo.  Tunay na pinagpala ng Diyos si Chris. Talagang walang imposible sa Diyos.

vvv

 (Maaari ninyong mapakinggan si T.Rex magturo sa kanyang Youtube Channel “PASSION FOR PERFECTION Inc.” Pakibisita po at mag-subscribe.  Salamat.)

124 thoughts on “PAANONG NAKAALPAS SA KAHIRAPAN ANG ISANG DATING ISKWATER”

  1. Maintenant que les casinos NetEnt sont de retour au Canada, vous pouvez être sûrs de voir passer plein d’offres sur des jeux de machine à sous comme Starburst et Finn and the Swirly Spin. Certains casinos en ligne récompensent même leurs joueurs les plus fidèles avec des parties bonus gratuites dans le cadre de leurs programmes de fidélité. Après tout, garder ses joueurs satisfaits est tout aussi important que d’attirer de nouveaux joueurs. Les bonus sans dépôt présentent de nombreux avantages. Le premier étant de pouvoir se familiariser avec un casino gratuitement avant de commencer à alimenter son bankroll. C’est aussi un moyen gratuit et sans risque de tester un nouveau jeu, ou de s’amuser sans risquer de perdre de l’argent. L’inconvénient c’est qu’en gagner est du coup moins évident, parce que les conditions pour retirer les gains sont souvent excessives. Mais nous sommes là pour jouer, n’est-ce pas?
    https://brze.my/community/profile/connorwienholt0/
    Le résultat de tout cela était 3 variantes du jeu, qui sont maintenant disponibles dans les casinos réels et les casinos en ligne ; la Roulette française, européenne et américaine. Nous offrons tous les 3 jeux au casino Gaming Club, ainsi que des jeux de croupier en direct pour créer une expérience à la fois captivante et immersive dans nos jeux de casino en ligne. Les paris intérieurs peuvent être aussi précis que la fente exacte dans laquelle la balle atterrira. Au plus, l’éventail des possibilités qu’ils couvrent est très limité. Leurs gains augmentent en parallèle à leurs chances, comme c’est toujours le cas dans les meilleurs jeux en ligne.

Comments are closed.