PAANONG NAKAALPAS SA KAHIRAPAN ANG ISANG DATING KATULONG

Heto Yumayaman

“Pagkat akong karunungan ay mahigit pa sa hiyas,anumang kayamanan ay hindi maitutumbas.” (Kawikaan 8:11)

Nagkaroon ang pamilya ko ng isang katulong na noong una ay mas mahirap pa sa daga.  Siya ay si Nilda na taga-Davao.  Ang kanyang pamilya ay nabaon sa utang at inabandona ng ama.  Si Nilda ang inasahang makatulong para maiahon ang pamilya niya mula sa kahirapan.  Siya ang naging yaya ng aming pangatlo at pang-apat na anak.  Noong una ay hindi marunong mag-ipon si Nilda.  Lahat ng kita niya ay ginagastos o pinadadala sa probinsya para gastusin ng kanyang pamilya.  Ugali nila na ubusin ang lahat ng perang mayroon sila; bahala na ang bukas.  Sinabi ni Nilda na wala sa kamalayan ng mga taga-probinsya ang mag-ipon.  Ang akala nila, basta kumita ka, gastusin mo.

Tuwing Lunes, mayroon kaming pag-aaral ng Bibliya sa bahay.  Iniimbitahan namin ang mga empleyado ng aming negosyo at tahanan na sumama sa pag-aaral ng Bibliya.  Noong una, halos hindi marunong magbasa si Nilda.  Halos semi-illiterate siya bagamat nakatuntong siya ng second year high school.  Napagtanto ko na mababa pala talaga ang kalidad ng edukasyon sa public school sa probinsya.  Nakita ko ang klase ng produkto nila.  Malungkot sabihin subalit parang talagang pang-katulong lang ang maraming kababayan natin.  Parang nagtatapon lang ng pera ang gobyerno para panatilihin ang sistema ng edukasyon na mababa ang kalidad.  Ang mga mag-aaral ay halos walang alam tungkol sa wastong pangangasiwa ng pera.  Wala silang konsepto ng pagtitipid at pag-iipon.  Ito ang dahilan kung bakit mahirap ang maraming Pilipino.

Pati sa gawaing bahay ay halos walang alam si Nilda nang bagong dating sa amin.  Buong pasensiyang tinuruan siya ng misis ko sa lahat ng gawaing bahay — maglinis, magluto, maglaba, mag-alaga ng bata, atbp.  Mula naman sa akin ang lahat ng kaalaman niya tungkol sa Bibliya, kasama na ang pagbabasa, pagtanggap sa Panginoong Jesus, at pagkakaroon ng karunungan sa kaperahan.  Dahil sa matagal na pagsama ni Nilda sa aming Bible Study, nakilala niya ang Panginoong Jesus sa personal na paraan.  Nagbasa siya ng Bibliya at dahan-dahang naging mahusay siya sa pagbabasa.  Itinuro namin sa kanya ang Kawikaan 21:20 na nagsasabi, “Ang bahay ng matalino’y napupuno ng kayamanan, ngunit lahat ay winawaldas ng taong mangmang.” Natutunan ni Nilda ang kahalagahan ng pag-iipon.  Tinuruan ko rin siyang gamitin ang aking teknik na “10:10:80 formula.”  Ang sabi ko, pagtanggap niya ng suweldo mula sa amin, hatiin niya sa 10%, 10% at 80%.  Ang unang 10% ay dapat ibigay niya sa Diyos sa pamamagitan ng simbahan, ang susunod na 10% ay dapat ipunin at ipuhunan, at ang huling 80% ay para sa kanyang mga gastusin sa araw-araw.  Tinanong ni Nilda kung ano ang gagawin niya kung gusto niyang tumulong sa kanyang pamilya sa probinsya.  Sinabi ko na medyo babaguhin niya ang formula.  Ang gamitin niya ay “10:10:20:60 formula”.  Ang unang 10% ng kanyang suweldo ay para sa Diyos, ang susunod na 10% ay para sa ipon at pamumuhunan, ang 20% ay puwede niyang gawing budget para sa pagtulong sa mga kamag-anak na nangangailangan, at ang natitirang 60% ay para sa kanyang pang-araw-araw na gastusin.  Ginamit nga ni Nilda ang itinuro kong teknik.  Ang resulta ay pinagpala siya ng Diyos; lumaki ang kanyang ipon.  Dahil naging mahusay na siyang magbasa, bumalik siya sa pag-aaral.  Ipinasok  namin siya sa High School hanggang nakatapos nito.

Isang araw, malungkot na nagpaalam siya na magtatrabaho siya sa ibang bansa; magiging domestic helper siya sa bansang Iraq.  Nalungkot kami subalit ibinigay namin ang pagbabasbas sa kanya.  Bago siya umalis, pinayuhan namin siyang huwag lilimot sa Diyos at huwag kaliligtaang mag-ipon.  Nangako siyang gagawin niya ang aming mga payo.  Nagpunta siya sa Iraq at naging serbidora ng hukbo ng mga Amerkano.  Naging all-around ang kanyang trabaho roon.  Naging labandera siya at tagaluto ng pagkain ng libo-libong mga sundalong Amerkano.  Dolyar ang kinita niya.  Ginamit niya ang “10:10:40:60 formula” na itinuro ko sa kanya.  Sumasama siya sa Christian worship service na pinatutupad ng isang Amerkanong pastor.  Nagpapadala siya ng pera sa kanyang mga kamag-anak sa probinsya.  Dahil halos walang gastos si Nilda dahil nakatigil lang siya sa kampo ng mga Amerkano, ang ipon niya ay hindi lang 10%.  Kaya niyang mag-ipon ng halos 60% ng kanyang suweldo. Dahil sa mga padala niyang pera sa probinsya, nabayaran ang lahat ng utang ng kanyang pamilya.

Makalipas ang dalawang taon, nagbakasyon siya sa Pilipinas.  Tumigil siya sa bahay namin.  Tinanong niya kung ano ang puwede niyang gawin sa ipon niya.  Pinayuhan naming bumili siya ng lupa.  Ganoon nga ang ginawa niya.  Nakabili siya ng farm sa Bukidnon at ang isang kapatid niya ang naging magsasaka.  Bumalik siya sa Iraq at nag-ipon uli.  Ngayon nakabili na siya ng dalawang bahay – isa ay sa San Jose, Bulacan at ang pangalawa ay sa Lipa, Batangas sa tabi ng farm ng aking pamilya.  Sinabi sa amin ni Nilda, kung tatanda siya at magreretiro, ang gusto niya ay ang tumira sa tabi ng  pamilya ko.  Napamahal siya sa aking pamilya.  Tunay na binigyan ng Diyos si Nilda ng karunungan at pinagyaman siya.

vvv

 (Maaari ninyong mapakinggan si T.Rex magturo sa kanyang Youtube Channel “PASSION FOR PERFECTION Inc.” Pakibisita po at mag-subscribe.  Salamat.)

1,136 thoughts on “PAANONG NAKAALPAS SA KAHIRAPAN ANG ISANG DATING KATULONG”

  1. At Roo Casino, we believe in rewarding our players for their loyalty. That’s why we offer generous bonuses and special promotions, including a welcome bonus for new players and regular bonuses for existing players. Whether you’re a seasoned gambler or just starting out, you’ll love the rewards and incentives of playing at Roo Casino.
    https://www.flindersuniversityunderwaterclub.com.au/forum-1/general-discussions/should-i-start-playing-at-roo-casino-in-australia

  2. If you’re looking for an online casino with a fun and exciting atmosphere, Roo Casino is the perfect choice. With a wide variety of games, including slots, table games, and live dealer games, you’ll love the thrill and excitement of playing at Roo Casino. And with 24/7 customer support and a user-friendly interface, you can enjoy a seamless gaming experience.
    https://www.wynns.net.au/forum/general-discussions/roo-casino-the-convenience-of-the-site-and-the-variety-of-games-in-australia

  3. вскрытие дверей
    Наша компания предоставляет услугу вскрытия дверей, если вы потеряли ключи, забыли их внутри или замок вышел из строя.
    Наши специалисты имеют опыт работы со всеми типами дверей, включая стандартные, межкомнатные и входные двери.
    Мы гарантируем безопасное и бережное вскрытие вашей двери, без повреждения самой двери, замка или дверной ручки.
    Мы используем только современное оборудование и инструменты, чтобы обеспечить быстрое и эффективное вскрытие двери.
    Мы работаем круглосуточно, чтобы быть готовыми прийти на помощь в любое время суток, когда вы оказываетесь заблокированным в своем доме или офисе.
    Наша команда гарантирует, что после вскрытия двери они будут оставлены в идеальном состоянии, без следов насилия или проникновения.
    Мы предоставляем услугу вскрытия двери по доступным ценам, и наши цены всегда фиксированы, без скрытых дополнительных расходов.
    Наша компания имеет лицензию и страхование, поэтому вы можете быть уверены в качестве услуг и легальности нашей работы.

  4. Многие автовладельцы сталкивались с ситуацией утраты номерного знака. В теории каждый прекрасно знает, что в этом случае нужны дубликаты номерных знаков и требуется обращаться в организацию, которой выполняется официальное изготовление номеров на автомобиль.
    https://guard-car.ru/

Comments are closed.