MULING nagbukas ang aplikasyon para sa mga nais maging miyembro ng Freelance Writers’ Guild of the Philippines (FWGP), ang deadline ay hanggang ika-4 ng Oktubre 2021.
Ang mga freelance writers na may tatlong taon ng karanasan sa pagsusulat ay maaaring sumali sa FWGP. Kasama rin ang mga naantala ang aplikasyon noong nakaraang taon gawa ng pandemya.
Kung sakaling makaligtaan ang aplikasyon, ang susunod na panawagan ay sa unang kwarter ng 2022.
Ang mga nagnanais maging miyembro ay mga freelance writers na kabilang sa self-employed basis, may freelance writing na trabaho nitong nakaraang tatlong taon, may proyektong pinagkakaabalahan bukod sa freelance writing, may pormal na trabaho na maaaring may kinalaman o walang kaugnayan sa pagsusulat, mga freelance writers na nagtratrabaho sa print, electronic o digital fields, maging mga nasa radyo, telebisyon at pelikula, kabilang din ang freelance researchers, translators, indexers, scriptwriter, web copywriters, ghostwriters, speechwriter, business plan writers, press release writers, e-book writers, legal writers, instructional at textbook writers, at creative/literary writers.
Ang type ng membership ay full membership para sa full-fledged members at associate membership para sa naka-pending ang aplikasyon gawa ng exam, kumpletong orientation-training at membership dues.
Ang mga benepisyo ng FWGP para sa miyembro ay ang mga sumusunod: accounting at legal services; benepisyo katulad ng insurance, investment, health at wellness program; in-house trainings, learning sessions at mentoring, scholarship; building writer’s profile; access sa writing opportunities at participation sa writers’ advocacies.RIZA ZUNIGA
When some one searches for his necessary thing, therefore he/she desires to be available that
in detail, therefore that thing is maintained over here.