PAARALAN NILUSOB NG SAYYAF, 2 PULIS SUGATAN

Abu Sayyaf

SULU – DALAWANG pulis na nagbabantay sa mga guro sa isang paaralan ang malubhang nasugatan sa pagsalakay ng mga mi­yembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul.

Sa ulat ng pulisya, may dalawang tauhan ng PNP 2nd Provincial Mobile Force Coy na nasa Sulu Police Provincial Office ang napalaban nang sumalakay ang isang grupo ng mga bandido.

Kinilala ang mga sugatan na sina Cpl. Angelo Canapi at Patrolman Nijar Awwalon.

Lumilitaw na inatake ng mga tulisan ang mga pulis na nagbabantay sa mga guro na nakatalaga sa nasabing bayan.

Matapos ang ilang minutong palitan ng putok ay tumakas na ang mga suspek.

Naitakbo naman agad sa Integrated Provincial Health Office ang mga biktima para mabigyan ng lunas.

Patuloy ang imbestigasyon sa pag-atake habang tumutulong na ang militar sa pagtugis sa mga tumakas na suspek. VERLIN RUIZ

2 thoughts on “PAARALAN NILUSOB NG SAYYAF, 2 PULIS SUGATAN”

Comments are closed.