PAARALAN PINAGNAKAWAN MAKARAANG GAMITIN BILANG ISOLATION CENTER

CEBU- BUKOD sa maraming kagamitan ang nawala, marami pang nasira at kailangan linising mabuti ang loob ng Mandaue City Central School (MCCS) sa nasabing lungsod makaraaang iwan ng mga gumamit nito bilang isolation center sa loob ng mahigit isang taon.

Nadiskubre ng mga nagbalik na guro sa MCCS na bukod sa pinagnakawan marami pang nasira sa mga kagamitan ng naturang paaralan makaraang gamitin ng lokal na pamahalaan bilang isolation center ng mga nagpositibo sa Covid19.

Ayon kay Dr. Alma Bardoquillo, school principal, nagulat sila sa kanilang naabutan na sira-sirang pintuan at mga kagamitan nang bumalik sa paaralan para maglinis at mag-disinfect.

Ang naturang paaralan ay hiniling ng LGU na maging isolation facility ng mga Covid19 positive sa loob ng mahigit isang taon at nitong Hulyo ay ibinalik na sa kanila.

Sinabi ni Bardoquillo na batay sa imbentaryo, nawawala ang iba’t ibang klase ng electric fan gaya ng standfan, industrial fan at ceiling fan.

Nawawala rin ang kanilang speaker, laptop at habang sira rin ang mga pintuan.

Sa kanilang Home Economics building, nawawala ang kanilang rice cooker, sandok, kettle at gas stove habang tuklap din ang mga tiles nito.

Ipinaalam na ng pamunuan ng MCCS sa LGU at sa Department of Education ang sinapit ng kanilang paaralan at umaasang maipapagawa ito habang mapapalitan ang nawalang kagamitan na mahalaga sa kanilang pagtuturo. EUNICE CELARIO

156 thoughts on “PAARALAN PINAGNAKAWAN MAKARAANG GAMITIN BILANG ISOLATION CENTER”

  1. Pingback: 1beauty
  2. safe and effective drugs are available. Definitive journal of drugs and therapeutics.
    where to buy ivermectin
    Some are medicines that help people when doctors prescribe. Everything what you want to know about pills.

  3. Definitive journal of drugs and therapeutics. What side effects can this medication cause? amoxicillin medicine
    Learn about the side effects, dosages, and interactions. earch our drug database.

  4. Commonly Used Drugs Charts. Comprehensive side effect and adverse reaction information.
    https://edonlinefast.com ed drugs
    Prescription Drug Information, Interactions & Side. drug information and news for professionals and consumers.

  5. Comprehensive side effect and adverse reaction information. Comprehensive side effect and adverse reaction information.
    canadian drugs online
    Actual trends of drug. Everything information about medication.

Comments are closed.