TATLONG gusali ng silid-aralan ang nasunog sa bayan ng Bacolod-Kalawi sa Lanao del Sur noong Biyernes ng umaga.
Unang sumiklab ang apoy sa tahanan ng isang Juhary Manan, na ang pamilya ay nakatakas mula sa sakuna subalit lumawak ang apoy sa Dilabayan Primary School sa Brgy Dilabayan.
Ayon kay PCapt. Timothy Jim Romanillos, chief of Bacolod-Kalawi Municipal Police Station, bagaman tinangka ng bomber na apulain ang sunog ay huli na dahil gawa lamang sa light materials ang school building.
Wala namang naitalang sugatan ang Bureau of Fire Protection sa Bacolod-Kalawi at sinabing ang sanhi ng pagsiklab ng apoy ang faulty electrical wiring. PILIPINO Mirror Reportorial Team