MAGPAPATAYO ang Department of Agrarian Reform (DAR), kasama ang Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) ng mga disente at abot-kayang pabahay para sa agrarian reform beneficiaries (ARBs) ng bansa.
Inamin ni DAR Secretary Bro. John Castriciones na ang pagkakaloob ng pabahay sa mga magsasaka bago matapos ang administrasyong Duterte ay isang napakalaking hamon, ngunit tiniyak niyang pabibilisin ng kagawaran ang programa upang maraming makinabang dito.
Sa isang virtual public briefing, sinabi ng DAR chief na hangarin nilang maihatid ang abot-kayang mga unit ng pabahay sa halos 20 porsiyento ng tatlong milyong ARBs sa bansa bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa susunod na taon.
Ang virtual orientation ay isinagawa ng DAR bilang kontribusyon nito sa pagdiriwang ng National Family Week, na ipinagdiriwang mula Setyembre 20-26, 2021 sa ika-29 na taong pagdiriwang sa Pilipinas sa huling buong linggo ng Setyembre.
“Bagama’t mahirap, pipilitin namin na makapag-pabahay sa maraming magsasaka bago matapos ang termino ng Pangulo. Ito ay isang karapat-dapat na tagumpay. Ipinagdarasal ko na mapanatili natin ito sapagkat malaki ang maitutulong nito sa pag-angat ng buhay ng ating mga magsasaka,” ani Castriciones.
Ang proyektong pabahay ay isasagawa sa Umingan, Pangasinan; Bayombong, Nueva Vizvcaya, Gabaldon o San Jose City sa Nueva Ecija, Basey sa Samar, Argao, Cebu, Daet sa Camarines Norte at Calinan sa Davao.
Ang programang BALAI Farmers at Farmworkers ’Housing Program ay magtatayo ng mga duplex-type na yunit ng bahay na may dalawang silid tulugan, naka-tile na sahig, mga granite kitchen countertops at may sukat na 36 metro kuwadrado.
Ayon naman kay DAR Undersecretary Emily Padilla, ang lupa at ang pag-develop dito, pati na ang pagbibigay ng kabuhayan para sa mga magsasakang titira ay libre.
Sinabi nito na ang programa ay magbibigay din sa bawat pamayanan ng mga bio-digester para magamit sa paggawa ng petroleum gas para sa pagluluto, food processing center, pamilihan at solar-powered water system na patubig.
“Batay sa aming pag-aaral ang mga pasilidad na ito ay maaaring magbigay ng buwanang kita mula P5,000 hanggang P8,000 bawat pamilya,” sabi ni Padilla.
Gayunpaman, ang amortisasyon ng mga bahay ay babayaran ng mga benepisyaryo sa halagang P1,475 kada buwan. Ang bayad ay idadaan sa kooperatibang kinabibilangan nila sa loob ng 30 taon.
BENEDICT ABAYGAR, JR.
152679 452529I appreciate you taking the time to talk about them with men and women. 34666
77892 413662We are a group of volunteers and opening a new scheme in our community. Your web web site given us with valuable data to work on. Youve done an impressive job and our entire community will likely be grateful to you. 814684