PABLIK SERBIS

Huli sa akto ang pagtulong ng isang pulis sa isang matandang babae. Hirap maglakad ang matandang babae dahil paika-ika lang ito kung maglakad gamit ang kanyang foldable walkers.

Pauwi na sana ang matandang babae na nakilalang si Lola Gregoria Lontok ng Brgy. Silangan 1 sa Rosario, Cavite upang sumakay ng tricycle nang makita ito ng pulis na nakilalang si PEMS Maria Felicar Isunza na nakatalaga sa Rosario MPS.

Dahan-dahan nya itong inakay at inalalayan hanggang sa makasakay sa tricycle.

Isa lamang ito sa mga eksenang madalas nating makita sa kalsada.

Mga matatandang tumatawid, sumasakay, namamalimos, at nagmamakaawa na nagkalat sa kalsada.

Subalit bibihira ang pumapansin sa kanila. Kaya naman sa ganitong pagkakataon, higit nating pasalamatan ang isang katulad niyang alagad ng kapulisan na may gintong kalooban at mahusay na ginagampanan ang tungkuling sinumpaan.

Comments are closed.