(Pabor ang 51% ng mga Pinoy) DRUG TEST SA SCHOOLS

student

MAY 51% ng mga Filipino ang pabor sa mungkahi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magsagawa ng mandatory drug testing sa mga mag-aaral na nasa Grade 4 pataas.

Sa ginawang pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas kahapon mahigit lima sa bawat sampung Filipino ay sang-ayon sa mungkahi na magkaroon ng mandatory drug testing sa mga secondary level school.

Batay sa survey na isinagawa ng SWS noong Setyembre 15 hanggang 23, natukoy na 51 porsiyento ng mga Filipino ang sang-ayon sa compulsory drug testing na una nang iminungkahi ng PDEA para sa mga mag-aaral mula Grade 4 pataas.

Lumitaw sa nasabing  survey na isinagawa nitong third quarter ng 2018 na 31 porsiyento  ang “strongly” na sumasang-ayon sa naturang mungkahi habang 20 porsiyento  naman ang “somewhat” agreed dito.

Samantala, 36 porsiyento  naman ang tutol, at 13 porsiyento  ang undecided.

Nangangahulugan la­mang ito na mayroong net agreement na +15, na para sa polling body ay maituturing bilang “moderately strong.”

Ang survey na ginawa sa buong bansa  gamit ang face-to-face interviews para sa 1,500 adults,  na nasa edad 18 pataas.

Sinasabing sa mga lugar kung saan marami ang sumasang-ayon sa panukalang mandatory drug testing ay mataas sa mga nagsasabing kontento sila sa performance ng Presidente Rodrigo Duterte. VERLIN RUIZ.

4 thoughts on “(Pabor ang 51% ng mga Pinoy) DRUG TEST SA SCHOOLS”

  1. 980293 858958Depending on yourself to make the decisions can actually be upsetting and frustrating. It takes years to build confidence. Frankly it takes a lot more than just happening to happen. 690

  2. Woah this is just an insane amount of information, must of taken ages to compile so thanx so much for just sharing it with all of us. If your ever in any need of related information, perhaps a bit of coaching, seduction techniques or just general tips, just check out my own site!

  3. 346396 460085Howdy just wanted to give you a brief heads up and let you know a few of the pictures arent loading properly. Im not confident why but I feel its a linking concern. Ive tried it in two different web browsers and both show the same outcome. 809335

Comments are closed.