SPORTS ANALYST PABOR SA PAGRETIRO NI PACMAN

PACMAN

PANAHON na para magretiro sa pagbobok­sing  si People’s champion Manny Pacquiao matapos ang impresibong panalo nito kay Argentinian boxer Lucas Matthysse.

Opinyon ng sports analyst na si Nissi Icasiano na  makabubuting gamitin na ni Pacquiao ang panibagong panalo para sa isang glorious exit sa larangan ng boxing.

“Itong boxing it doesn’t smile upon aging fighters napaka-evident po niyan kung titingnan natin ang mga last fight nina Mohammad Ali, Mike Tyson, Oscar dela Hoya, kung bibigyan ng glorious exit si Pacquiao ito na ang tiyansa niya,” ani Icasiano

Gayunman, sinabi ni Icasiano, kung sakaling piliin pa rin ni Pacquiao na magpatuloy lumaban, nakatitiyak siyang muling magiging mataas ang value nito.

“If ‘yung intention niya is kumita pa ng mas malaking pera after this win e  mukhang mas malaki pa ang kikitain niya sa mga susunod na laban,” pahayag ni Icasiano.

Samantala, ilang  se­na­dor ang sumusog sa pa­nawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte kay People’s Champ Senador Manny Pacquiao na magretiro na sa boxing matapos ang matagumpay na laban kay Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ayon kay Sen. Joseph Victor Ejercito, naipakita na ni Pacquiao ang galing ng Filipino sa buong mundo at umani na ito ng paghanga.

Para kay Senador Sonny Angara, mas mainam na magpahinga na si Pacquiao  sa nasabing larangan dahil naipakita na nito ang galing sa ibabaw ng ring.

Sinabi naman ni Sen. Ralph Recto, kung titigil ngayon ang eight division world champion, higit na maaalala ng publiko ang kaniyang mga tagumpay dahil sa kaniyang huling match na talagang impresibo.

Sa panig naman ni  Sen. Panfilo Lacson,  huwag na sanang hintayin ng Pinoy ring icon na magkaroon pa ng masaklap na pangyayari bago ito huminto sa pakikipaglaban.

Si Pacquiao ay hini­mok ng Pangulong Duterte na makabubuting magretiro na habang bata pa ito upang ma-enjoy naman umano nito ang kanyang buhay.  (May dagdag na ulat mula sa DWIZ882).

3 thoughts on “SPORTS ANALYST PABOR SA PAGRETIRO NI PACMAN”

  1. Thanks so much regarding giving me an update on this subject matter on your blog. Please understand that if a brand new post appears or in the event any adjustments occur with the current article, I would want to consider reading more and knowing how to make good use of those tactics you write about. Thanks for your efforts and consideration of other individuals by making this website available.

Comments are closed.