PACC, OCS BINUWAG: MGA EMPLEADO BIBIGYAN NG BENEPISYO

BINUWAG  ni Pangulong Bongbong Marcos ang Presidential Anti Corruprion Commission (PACC) at ang Office of the Cabinet Secretary.

Nakasaad sa Executive Order No. 1 na bahagi ito ng isinasagawang reorganisasyon sa mga tanggapan na nasa ilalim ng pamamahala ng Office of the President.

Inilipat ang tungkulin ng PACC sa Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs.

Ang Cabinet Secretary naman ay isasailalim na sa control at patnubay ng Presidential Management Staff.

Sa bisa rin ng Executive Order No. 1, magkakaroon ng Presidential Adviser on Military and Police Officers na mapasasailalim naman sa Office of the Special Assistant to the President.

Kaugnay nito, inatasan ng Pangulo ang Department of Budget and Management na magpalabas ng pondo para sa benepisyo ng mga personnel na nakatalaga dati sa PACC at OCS.

Nakasaad sa EO No. 1 na maaring makakuha ng benepisyo ang mga personnel na naapektuhan ng pagbuwag basta’t isinusunod sa itinatakda ng batas o civil service, budgeting, accounting and auditing rules.

Hindi naman batid kung ilang empleyado mula sa Office of the Cabinet Secretary at PACC ang naapektuhan ng nasabing pagbuwag. Beth C